Chapter 35 LEAVE BEHIND I sent right away a clip na may ginagawa si Jeff sa akin. I do not know kung ano ang naging reaksiyon ni Lucas. All I know is that I really wish to make him feel how he made me feel worthless as a wife. Matapos ang komprontasyong nangyari sa amin ni Lucas, ang pag-uusap namin ng tatay niya at pagharap ko kay Jeff ay hindi naging madali na iproseso ko sa aking sarili ang mga nangyari. Natakot ako na muli ay malugmok. Ang gabing ibinigay ko ang aking sarili sa aking asawa ay hindi ko mapagsisisihan kahit pa na lumabas na tila ako ay namalimos ng pagmamahal niya. Naging mahalaga sa akin na naiparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya sa kabila ng lahat ng nagawa niya. Ginamit ko din ang pagkakataong iyon upang makaganti kay Lucas kahit na lumabas na wala akong panama

