Nakatatak sa isipan ko ang tatlong position na tiniyak ni doc na makabubuo kami ni Jeff. Kailangan ko magsipag para makabuo kami kaagad. Tumatanda na ako. Lalo na ang layo namin sa isa’t-isa. Baka matagalan kami bago makabuo nito. Biglang nagliwanag ang isip ko sa mga magiging routine ko sa gabi upang makuha siya gabi-gabi. Kung kinakailangan namin mag-movie marathon ng mga explicit videos para lang makagawa, ay gagawin ko. Bahala na kung ano ang isipin niya, ang mahalaga ay mabuntis niya ako kaagad. Bumaling muli ang atensiyon ko kay doc. Napalunok ako sap ag-iisip ng itatanong ko. Parang nag-aalangan ako. Pero ito lang ang makasasagot sa tanong ko wala ng iba. Kaya naman ay naglakas loob na ako na magtanong. Bahala na kung nakakahiya. Kailangan ko ito. “Doc matanong ko lang po sana. P

