Chapter 8 Sweet Memory

1126 Words
My Sweet love Memory Nasa waiting area ako ng mall. Napagod ako sa kakaikot. Marami siyang naiisip na bilhin kung kaya ako ay nanatili sa isang sulok upang magpahinga. Ang dami ng taong naglalakad sa harap ko. Ang iba matanda, bata, babae, lalaki, at ang iba naman ay magkapares. Meron din na mag-isa lang ang grupo. Masaya naman silang tingnan.  Pero hindi ako naaaliw sa mga nangyayari sa loob ko. Ilang oras pa ay bumalik siya sa kinaroroonan ko. He was walking straight towards me. He’s smiling at me. Nanggigil ako sa ngiti na iyan. Kahit pagod na ako ng kakaintay ay bigla na lang napahid ang pagod na iyon ng makita ko siya. Natawa ako ng palihim ng makita kong nabangga siya ng isang batang babae na tumatakbo. Bigla naman niya nasalo ang batang iyon dahil muntikan na matumba. Ang saya pagmasdan na may batang kasama ang asawa ko. Sana sa susunod ang hawak niya ay ang anak ko na. Ang anak na naming dalawa. Noong lumapit na siya ay kinuha niya ang mga bags na dala namin na nasa tabi ko. Bintbit na niya iyon. Sabay kaming naglalakad subalit ang isip ko ay bigla na lang naging abala sa pagdidikusyon sa sarili ko ng bagay na bumagabag sa umaga ko. Hindi ako mapakali dahil sa kabila nitong kilig sa loob ko ay umaagaw ang alaala kaninang nag-breakfast kami. Ako ay nasa punto pa din ng pag-aalala na aalis bukas at kasama si Lucas at ang kaniyang pinsan kuno na si Zed. Maingay ang isip ko. Hindi ko din maintindihan. Tutol ako sa ideya na sumabay sila sa amin. Nais ko lang naman ma-solo ang asawa ko. Sa tagal ba naman ng panahon na tiniis ko ang mawalay sa kaniya dala ng malaking responsibilidad ko sa aking pamilya. Kinailangan ko kumayod sa malayo upang mapag-aral ang mga kapatid ko. Mabibilang ko sa mga daliri ko ang mga panahon na naeenjoy ko ang dates na kasama siya. Kung nasa barko siya, nasa Dubai ako. Kung nasa Pilipinas siya, nasa Dubai pa din ako. Kung nasa Pinas ako nasa barko siya. Nakakalungkot na hindi nagkakatugma ang pagkakataon sa aming dalawa noon. Kaya wala talaga akong maalalang masasayang moments naming together. Lahat ng monthsaries namin ay masaya dahil lahat ng crew sa barko na pinagtatrabahuan niya ay madalas na kasali sa pagbati sa akin. Naalala ko noon sa unang anniversary namin. Nagulat ako na bigla siyang napatawag ng hating gabi. Ang akala ko kung ano talaga ang pakay niya. Napaisip ako noon na may masamang nangyari. Iyon pagbukas ko ng computer ko at nag-online ako ay napatawag siya kaagad. Una ay wala akong nakikitang siya na nakaharap sa screen ko. Iyon pala ay isa-isa ng hawak na papel ang mga kasama niya na may nakalagay na ---- To The Most Beautiful Girl I know I care Miss I love Happy Anniversary Honey Iyon ang mga nabasa ko na isa-isang itinaas ng mga nakahawak ng bawat salita sa bawat pagdaan ng camera sa kanila na nakapila at nakatayo sa upper deck ng kanilang barko. Ganiyan ka lambing si Jeff sa akin. Kaya hindi ko magawang magtampo ng matagal dahil ramdam ko ang kaniyang pagmamahal sa akin. Kung minsan naman ay pipili siya ng kanta. Magkakasiyahan sila ng mga kasama niya sa gabi after nila mag-dinner. Then doon niya sisimulan na tumawag sa akin. Mayroon na biglang haharap sa akin sa screen na kumakanta ng bawat Lirico na tagos palagi sa aking puso at nababalot ako ng lahat ng kilig sa mga ginagawa nila. Nakakataba nang puso at nakakapagpapalakas ng daloy ng dugo sa buong katawan ko ang maiparamdam kung gaano niya ako nais mapasaya. Iilan lang ito sa mga kwela niyang pakulo only to make me feel special every anniversary na isini-celebrate namin. Ang hindi ko makakalimutan na anniversary surprise ay ang pinadalhan niya ako ng bunch of flowers and chocolates na pinaorder niya kay Laila. Sinuyo niya ito upang isurprise ako. Akalain mo na binigyan ako ng regalo na hindi ko inaasahan. It was a bracelet with an engrave initials of ours. Para siyang pinaliit na kwentas ko na una niyang ibinigay sa akin. Lahat ng mga sandaling iyon ay mahalaga sa akin. But of course, hindi puro saya ang apat na taon na magkawalay kaming dalawa sa isa’t-isa. There was this time na nagtampo siya sa akin. I was not able to answer his calls and chats. It was our second anniversary. Ikalawang taon na malayo pa din sa isa’t-isa. Bigla siyang nag-send ng photos ng mga babae na hindi ko kilala. Hindi ko alam kung sino ang mga iyon. They were nude. Maybe he did it to catch my attention. Napikon ako kahit alam ko na siya ang galit sa akin. Hindi ko kasi inasahan na may makikita akong mga larawan na ganoon. Ang lalaki pa naman ng mga nasa harap. Tuloy ay naisip ko na kinakailangan ko pala bigyan ng panahon ang lahat ng oras na inilalaan niya sa akin upang hindi maagaw ng iba ang atensiyon niya. Pinag-awayan namin ang mga larawan na iyon. I was crying because of hate. Hanggang sa natawa siya bigla dahil akala niya magagalit lang ako. Iyon pala naiiyak ako kapag nagagalit. It was the time he said to me after the fight.               I promise not to hurt you again. Ang simpleng salita na hanggang ngayon ay napapanindigan nga niya. He truly loves me for avoiding to irritate me in anything. Ito lang, ngayon ko lang siya napansin ulit na hindi niya siniseryoso ang mga sinasabi ko. He’s thinking that okay na okay lang na sasama si Lucas. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa lalaki na iyon? Marahil naging malalim na ang pagkakakilala nila sa isa’t-isa at wala akong kaalam-alam dahil limitado ang naikwento ni Jeff sa akin. Sobrang kampante ko lang siguro dahil hindi ako nakikialam sa kaniyang mga kaibigan. Siya lang ang focus ko madalas. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dala ng mga ipinakikita niya sa akin. Ang consistency ng lahat ng paggiging malambing niya at maalalahanin. Isa siguro sa malaking pinaghugutan ko ng malaking tiwalang ito ay dahil na din sa mula pagkabata ay magkakilala na kami na dalawa. Kahit minsan sinasabihan ako ni Laila na hindi lahat ng nakilala mula pagkabata ay talagang iyon na ang pagkatao nila. I know there are many factors that affects everyone’s behavior, character or personality. Depende sa kinalakihang lugar, pamilya at depende sa kultura na nais niyang yakapin. But whatever that is I am certain that my husband is still the same person I knew mula pagkabata.   Mula sa aking pagmumuni sa aking sarili ay nagising ako. Nasa loob ako ng sasakyan. Ginigising ako ng asawa ko. “Honey? Were here.” Ang sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD