At that moment I was in his arms. Hindi ko magawang magalit. I don’t know. Bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Iyong my biglang pumahid sa aking pangangamba. Hinaplos niya ang ulo ko paibaba sa buhok ko na nakalugay sa likod ko. Ang bawat hagod ay tila pumawi sa aking galit. Napasinghap siya. Malalim na paghugot ng kaniyang paghinga. “Hon naman.” Ang sabi niya habang hawak ang buhok ko at patuloy na hinahaplos. “Bakit ka naiyak?” muli niyang tanong sa akin. Hinigpitan niya lalo ang pagyakap sa akin. “Did I made you cry?” ang nagtatakang tanong niya. Ang lamig ng boses niya ng itanong iyon. Umiling ako. Kasi hindi naman talaga. It’s just that marami akong iniisip. O sadyang nasobrahan ang conclusion ko. Kumalas siya dahil wala akong imik. Hinawakan niya ako sa aking pulsuhan. Hi

