CHAPTER 09 Rooftop

3361 Words
CHAPTER 09 “Ang baho mo Alfred!” Nang maamoy ko ang pabango ni Alfred ay agad akong napatakbo sa pinakamalapit na bathroom. Bigla akong nahilo at pakiramdam ko ay umikot ang bituka ko sa loob ng tiyan. Agad akong dumuwal sa sink, wala na ‘kong pakialaman sa mga taong nasa loob ng bathroom basta masuka ko lang ang laman ng tiyan ko. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang sumusuka roon. Sinuka ko na yata lahat ng kinain ko sa araw na ‘to pero hindi pa rin ako tapos. Nasusuka pa rin ako. Kulang na lang ay iluwa ko na rin pati mga intestines ko. Nanghihina ako at pinagpapawisan ng malamig. Huminga ako nang malalim, sobrang gaspang ng lalamunan ko. Binuksan ko ang gripo upang maghugas ng kamay at bibig, nang tumingin ako sa salamin ay nagtama ang tingin namin ng isang babae. Kanina pa niya ‘ko pinapanood na magsuka rito at mukhang gulat na gulat siya. “Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan?” maldita kong ani. Tinaasan ko siya ng kilay kaya natataranta siyang nag-iwas ng tingin. “Ah, w-wala,” aniya sabay labas ng bathroom. Umirap ako nagpatuloy na lang sa pag-aayos sa sarili. Nanghihina ang katawan ko, gusto kong magpahinga pero wala akong maisip na lugar. Kung habang buhay na lang kaya akong magpahinga? I chuckled at my own thought. Umiling ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Si Krisha ‘yon ‘di ba?” “Oo, ex ‘yon ng kuya ko kaya lang hiniwalayan niya. Malandi raw kasi, hindi mapagkakatiwalaan.” Napahinga ako nang malalim nang marinig ang usapan sa labas. “Halata naman, eh. Saka, nagsusuka? Buntis ‘yan, ‘no?” Napasandal ako sa sink habang pinapakinggan ang panlilibak nila sa ‘kin. “Siguro, isa pa nakakagulat pa ba ‘yon? Last month ko pa napapansin na masyadong maluwag ang sinusuot niyang uniform. Hindi na rin sobrang eksi ng palda niya. Lagi rin siyang maputla at hindi na gaano nagkokolorete sa mukha. Nandidiri nga ko na pinatulan siya ng kapatid ko.” “Ew! Buntis siya? Nakakadiri!” I bit my lower lip and tried to control myself. Kumuyom ang kamao ko sa panggagalaiti. Isang beses kong pinasadahan ng tingin ang mukha sa salamin. I looked pale and stressed. Sobrang hirap ng sitwasyon ko, ayaw makiayon ng katawan ko sa ‘kin. Sobra akong pinapahirapan ng pagbubuntis na ‘to. I tucked my hair at the back of my ear. Inayos ko ang nagusot na uniform bago nagpasyang lumabas. “Tapos na ba kayong pag-usapan ang buhay ng ibang tao?” malamig kong ani sa kanilang dalawa. Nagulat sila at agad na hindi nakapagsalita. Tipid akong ngumisi. Napaka-satisfying ng mga itsura nila ngayon. “K-krisha,” sambit ng isa. “Oh, kilala mo ‘ko? Hindi kasi kita kilala.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Kita ko ang pagkapahiya at irita sa mukha niya. “Wala—” “Mga inggitera na ‘to, ang pangit n’yo kasi, eh. Tabi nga!” Binangga ko ang isang babae bago nilampasan. Nang makalayo ako sa kanila ay kinuyom ko na lang ang kamao. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko ay sinabunutan ko na sila. Ang kakapal ng mga mukha nilang husgahan ako. Akala siguro nila ay napaka-perfect nila! I sighed. Sa galit ko ay hindi ko na alam kung saan-saan ako napadpad. Namalayan ko na lang na nasa gilid na ‘ko ng school field. Umupo ako sa bench at saglit na nagpahinga. Nahihilo ako. Ilang minuto yata akong natulala roon hanggang sa namalayan ko na lang na may butil na ng luha sa ‘king pisngi. Napahikbi ako at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. I wiped my tears using the both of my hand while trying to stop myself. Kinagat ko ang labi ngunit kumakawala pa rin ang mga hikbi. Sinubukan kong tumingala pero punong-puno na nga yata ako. I’m tired physically, emotionally, and mentally! Bakit ba nangyayari sa ‘kin ‘to? Bakit ba kasi nagpakatanga ako? Bakit ang bobo ko! Hindi na nga ako magaling sa kahit anong bagay nagdala pa ‘ko ng problema. Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin. Ilang buwan ko ng alam na buntis ako pero wala pa rin akong maisip na gagawin. Ang ginagawa ko lang ay magpatuloy sa araw-araw na ginagawa na parang wala lang. Pumapasok sa school, umuuwi sa bahay, kumakain, gumigising ng maaga, papasok ulit! Sinasayang ko ang mga buwan, the time that I should plan of what I’m going to do! Nasapo ko ang mukha habang binubuhos ang lahat ng luha. Sa mga nagdaan na buwan, lagi kong iniisip na itago ang pagbubuntis ko, well. . . I know that they will find it out eventually. Laging maluwag ang uniform ko, mahaba ang palda, lagi na rin akong nagsusuot ng jacket para lang itago ang tiyan kahit na hindi pa naman halata. I’m a petite kaya hindi pa ganun kaklaro ang tiyan ko. I’m obsessed of hiding it! Kasi natatakot ako sa mga pangungutya at magiging judgement ng ibang tao sa ‘kin. Sasabihan nila akong bobo, tanga, malandi, hindi marunong. Well, totoo naman, eh. Pero masakit pa rin masampal ng katotohanan. Hindi pa ‘ko handa, hindi ko ‘to ginusto pero nandito na, eh! Wala na ‘kong magagawa kundi tanggapin ito. Naisip ko na ipalaglag ang bata kaya lang, tama ng may isang pagkakamali ako, hindi ko na dapat pa dagdagan ng isa. Pinasok ko ‘to kaya dapat na panindigan ko. I should be responsible for the consequence of what I have done. Pero ayaw ko ring magdusa ang dinadala ko dahil wala akong kwentang tao. Ayaw kong matulad siya sa ‘kin na nagkaroon din ng walang kwentang mga magulang. Naghihirap ako at ayaw kong madamay siya sa paghihirap ko. Nakakatanga! Sa ngayon ay ang tanging magagawa ko ay ang panindigan ang consequence ng ginawa kong kasalanan. Pero natatakot ako na harapin ang consequence. Hindi ko alam paano, iisipin ko pa lang ay natatakot na ‘ko. Hindi ko alam paano haharapin. Napahagulhol ako. Wala akong maisip na tamang gawin, kahit anong pilit ko sa utak ko. Madali kasing sabihin na panindigan pero hindi ko alam kung paano, hindi ko alam paano sisimulan. It’s like I’m walking in circles, no escape until it broke down. “Ganito ba ipa-realize ang pagkakamali? Bakit sobrang sakit?” Humagulhol ako. Tumingala ako sa langit, sobrang ganda ng kalangitan, hindi nakikianib sa problema ng mundo. Napatingin ako sa rooftop ng malapit na building. Kanina pa ‘ko nag-iisip ng lugar na pwedeng pag pahingahan. Bigla akong na-curious sa rooftop. Tumayo ako at nagpasyang magtungo roon. Hindi ko alam pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot ni hindi ko nga alam ano’ng aasahan ko roon. May nakasalubong pa ‘kong ilang estudyante na galing sa second floor paakyat. Tinitingnan nila ako at naiintindihan ko kung bakit, pulang-pula ang mata ko at namamaga ang buong mukha kaiiyak. Binalewala ko lang iyon at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Nang marating ko ang huling hagdan paakyat sa rooftop ay bahagya pa ‘kong nahilo. I’m too exhausted, bakit ko ba kasi binalak na umakyat dito? Hinilot ko ang sentido bago nagpatuloy. Hindi kaaya-aya ang amoy kaya natabonan ko ang ilong. Muntik pa ‘kong maduwal at masuka sa baho. Iniihian siguro ‘to ng mga dugyot na lalaki. Tinahak ko ang marurupok ng stairs hanggang sa marating ko ang pinto papasok sa rooftop. Bawal yatang puntahan ito ng mga estudyante. But who would know anyways, no one will care. Isang tulak ko lang sa pinto ay agad na itong bumukas. Nagulat nga lang ako sa nadatnan. Unang bumungad sa ‘kin ay ang umatras na likod ni Claudine, kaklase ko at isa sa mga pinaka matalino sa klase namin. “What the,” I whispered. Nakita kong nasa railings sina Jette at Leo, mga kaklase ko rin. Bully si Jette at si Leo ang kanyang pinagdidiskitahan. Nakakagulat na nandito sila. “Sige! Gusto mo ikaw na lang ang mauna! Nakakaasar!” sumigaw si Jette at frustrated na napasabunot sa kanyang buhok. Umiling naman si Leo at tulalang napaupo sa semento. Umatras ulit si Claudine, hindi niya namalayan na nasa likod niya ‘ko kaya nabangga niya ‘ko. “Aray ko!” angil ko. Nagmamadali niya ‘kong binalingan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang namamaga niyang mata at basang pisngi dahil sa luha. “K-krisha,” gulat na aniya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko. Pareho lang kaming napabaling nang sumigaw si Jette. Sa sobrang lakas ng boses niya ay akala mo may-ari siya ng school. Ang feeling talaga ng lalaking ‘to! “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” pasigaw niyang tanong. “Ang malas naman!” Mas lalong naging frustrated ang itsura niya. Nasipa niya ang isang aluminum can sa malapit, napunta ito sa isang babae na nakayuko sa gilid. Agad na umtras ang babae dahil muntik na siyang matamaan. “Nandito ka rin?” tanong ko. I stepped forward at nilapitan si Freya. Binalewala ko si Jette na kulang na lang ay magwala. Nalilito ako sa nangyayari bakit nandito ang mga ‘to rito? “Ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito?” maangas na tanong ni Jette. Tinuro niya si Claudine. Napabaling ako sa kanila. Mabilis na naging malamig ang expression ni Claudine. Pinalis niya ang luha at umakto na hindi siya mukhang devastated kani-kanina lang. “I j-just stop by,” aniya sabay iwas ng tingin. Hindi mapirmi ang mga mata niya kaya halata na nagsisinungaling siya. “Tss,” umirap si Jette at humalukipkip. “Oh, ikaw? ‘Di ba sabi mo magpapakamatay ka?” si Jette kay Leo. Dito siya bumaling. Magpapakamatay? Kumunot ang noo ko. “Oo, magpapakamatay ako,” napaawang ang labi ko sa sagot ni Leo. Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o matatakot. Seryoso si Leo sa sinabi niya, tulala siya at mukhang sobrang lalim ng iniisip. His face has bruise, mukhang sariwa pa ito. Hindi na nakakapagtataka ‘yon dahil lagi naman siyang binu-bully sa school. Lampa kasi at hindi marunong lumaban. “Life sucks!” Sinuntok ni Jette ang pader at naupo sa tabi ni Leo. Inihilig niya ang likod sa sementong pader. Nagtama ang tingin naming dalawa. “Ikaw? Bakit ka nandito? Saka ikaw na magnanakaw? Bakit kayo nandito?” tanong sa ‘min ni Jette. Ang tinutukoy niyang magnanakaw ay si Freya. Umismid ako at nagkibit ng balikat. “Life sucks,” I said before sitting next to Freya. Nakaupo lang siya sa tabi na parang basang sisiw, yakap-yakap ang dalawang tuhod. Matamaan ko siyang tiningnan, isang beses niya lang akong pinasadahan ng tingin bago umiwas. “A-ah. . .” Napatingin kaming lahat kay Claudine. Ang singkit niyang mata ay mas lalong naningkit. Halata na kagagaling niya rin sa pag-iyak, gaya ko ang katabi kong ito. Tinaasan ko ng kilay si Claudine, halata sa mukha niya ang pagkalito. Kung aatras ba siya at bababa ng rooftop o mananatili. Sa huli ay bumuntonghininga siya at nagpasyang maupo sa tabi ko. Nag-indian seat siya at isinandal ang likod sa pader. Pinapagitnaan na nila akong dalawa ngayon. Ang dalawa namang lalaki ay nasa sunod na side ng pader nakahilig. Hindi ko alam kung ano ang rason nila bakit napadpad sila rito. Isa lang ang sigurado ako, may hinaharap silang problema kagaya ko. Tss, ano ‘to? Destiny? Nakakatawa naman. Linya ba ‘to ng mga losers? Hindi ko alam kung matutuwa ba ‘ko na rito ako dinala ng mga paa ko. Mabuti na lang at maganda ang hangin at view sa rooftop na ‘to. Kahit papaano pakiramdam ko ay hindi ako nasasakal. Nanatili kaming tahimik lima at may malalim na iniisip. Sa totoo lang, hindi ko gaano gusto ang mga taong kasama ko ngayon. Masyadong matalino si Claudine, presko sa mata ko dahil mayaman, maputi at may natatanging ganda. Mahihimigan mo rin ang pagka sosyal sa kanya. Tahimik siyang tao at parang laging may dalang borders, masyado siyang out of reach. Hindi naman sa may pake ako sa mga level ng tao, pero si Claudine parang laging mataas ang level niya. Hindi ko rin gusto si Freya, aside from the fact na magnanakaw siya. . . o pinagbibintangan na magnanakaw. Masyado siyang creepy for me. Though, okay naman ang itsura niya, kinulang lang sa pag-aayos sa sarili. Tahimik at akala mo hindi makabasag ng pinggan, sobrang iba sa sinasabi ng mga tao sa kanya. Ayaw ko kay Leo dahil sobra siyang mahina. Hindi marunong lumaban sa mga bullies. Matalino naman siya but he’s a total loser. Dagdagan pa ng suot niyang salamin, hindi ko alam kung malabo ba talaga ang mata niya o nagsusuot lang ng eyeglasses para sabihin na nerd. Mas lalo ko namang ayaw si Jette. Guwapo siya pero nasusuka ako sa pag-uugali niya. He’s a total jerk! Mayabang, basagulero, barumbado, bulakbol, at isang dakilang bully. Akala mo siya may-ari ng school, masyadong mahangin. Hindi ko makakalimutan na muntik na kaming magsuntukan noong Grade Seven. “B-bakit ka napunta rito?” Napatingin ako kay Claudine nang magtanong siya sa ‘kin. Halos bulong na ang tanong niya pero narinig naming lahat dahil sa katahimikan. Ramdam ko ang pagbaling nilang lahat kay Claudine. Her cheeks flushed, para bang nahiya siya sa attention na ibinigay namin sa kanya. I sighed, tinanggal ko ang pagkakahalukipkip at tumingala sa langit. Hindi mainit sa rooftop dahil natatakpan ng lilim ng isa pang building. “Bakit hindi mo tanongin ‘yan sa sarili mo?” I asked her instead. Nang tingnan ko siya ay umiwas siya ng tingin, ang kanyang mga mata ay namumungay. Natahimik siya at matagal bago nakasagot. “L-like them, I want to end everything.” Hindi naman kami close pero nakaramdam ako ng simpatya para sa kanya. Para sa katulad niya na isang grade conscious, may mataas na expectation. Nakaka-frustrate ‘yon para sa kanya. Alam ko kasi ano’ng nangyari sa grades niya. Simula first grading, natanggal siya sa honor role, hanggang ngayon na second grading hindi pa siya nakakabawi sa dati niyang pwesto. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili, ang problema ng babaeng ‘to ay ang pag-aaral niya lang. Samantalang ako. . . “Tss,” si Jette. “Magpapakamatay ka para lang sa grades? Ang babaw naman!” I said, sabay irap sa kanya. I saw the pain on her eyes kaya itinikom ko ang bibig. Mali yata ang nasabi ko. Bumuntonghininga siya at dahan-dahang tumango. “I don’t know what’s going on with my life, what's going on with me. Kaya gusto ko na lang taposin.” Naiinis ako kasi para sa ‘kin ang babaw ng problema niya pero ganito na siya maka-akto. “Suicide agad? Hoy! Alam mo ba ano’ng sinasabi mo?” I said mocking her. Binigyan niya ‘ko ng masamang tingin. “Tss, no one will understand me,” aniya sabay palis ng luha. Umirap naman ako sa kaartihan niya. “Ikaw?” baling ko kay Freya. “Magpapakamatay ka rin ba kasi napagbintangan ka na naman na nagnakaw?” deritso ko ng tanong. Ipinupunto kung bakit nandito siya. Buntonghininga lang ang isinagot niya sa ‘kin. “Pambihira.” Umiling ako. Naisip ko rin naman ‘yon pero wala akong lakas na gawin. Huwag mong sabihin na umakyat ang apat na ‘to sa rooftop para lang mag-suicide? Ha! Nakakatawa!---- “My father, sigurado akong itatakwil na niya ‘ko kapag nalaman niya ang tungkol sa grades ko.” Suminghap si Claudine sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya, hindi na maitatago ang lungkot sa kanyang mga mata. “Siguro, iniisip mo na ang babaw ko kasi grades lang ang problema ko. Hindi lang basta grades ‘yon! Buong buhay ko ang nakasalalay, ang pagkatao ko ang nakasalalay!” Pinalis niya ang luha. Agad naman akong na-guilty sa sinabi ko. “Akala nila madali lang, akala nila okay lang, akala nila hindi ako nasasaktan. Akala lang nila ‘yon.” Napatingin ako kay Freya nang siya naman ang magsalita. Paiyak na rin siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ‘ko ngayong napapalibutan ako ng mga problemadong tao. Eh, may sarili rin akong problema! “Hindi mo naman ginawa ‘yon ‘di ba?” tanong ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako sa mga mata. Ang mata niya ay puno ng adorasyon at lungkot, sa loob niya ay mukhang marami siyang gustong isigaw. “Kung sasabihin ko ba ang totoo, maniniwala ka?” Hindi ako sumagot sa tanong niya. “Hindi ‘di ba?” Mapait siyang ngumisi. “Hindi mo ginawa ‘yon,” I said. Pagak na natawa si Freya sa sinabi ko. “Paano mo nasabi?” Nagkibit ako ng balikat. “Wala, alam ko lang.” Nasabi ko ‘yon dahil ‘yon ang sinasabi ng mga mata niya. “Saka hindi mo kailangan tanungin ang ibang tao kung naniniwala ba sila sa ‘yo na hindi ikaw ang nagnakaw. Alam mo kung ano’ng mahalaga? ‘Yung pinapaniwalaan ng sarili mo. The opinion of you to yourself matters the most. You don’t have to seek validation to others. Alam mo sa sarili mo kung ano’ng ginawa mo.” Napatingin ako kina Leo at Jette. “Kayo? Ano’ng problema n’yo at bakit kayo nandito?” tanong ko sa dalawang lalaki. Inirapan lang ako ni Jette at nag-iwas ng tingin. Binalingan ko si Leo at tinaasan ng kilay, mukhang hindi niya alam kung magsasalita ba siya o hindi. Nagulat ako nang magsalita nga siya. “Hindi ko na kaya. . . ang mga bullies,” aniya. Tiningnan ko naman si Jette. “Ano ba kasing napapala mo sa pambu-bully, Jette?” tanong ko sa kanya. Napairap na lang ako nang hindi siya sumagot. “Leo, sapakin mo na lang para tapos ang usapan. O ‘di kaya ay e-report mo sa teacher.” Umirap ako, simpleng problema hindi masolusyonan. “Hindi ganun kadali ang mga sinasabi mo,” si Claudine. Napatingin ulit ako sa kanya. Balik na sa malamig ang titig niya. “Kapag ba nag-report sa mga teachers guaranteed na hindi na siya babalikan ng mga bullies niya?” tanong niya sa ‘kin. “Malay ko.” Ngumuso ako at muling nagkibit ng balikat. “Hindi. O kahit mawala man ang mga bullies niya, hindi pa rin mawawala sa kanya ang trauma at takot.” “Gaya mo?” si Freya sa kanya. Tiningnan lang siya ni Claudine at hindi na nagsalita. Katahimikan ang bumalot sa ‘min. Akala ko ay wala na ulit magsasalita, lahat kami ay nagulat nang bumuntonghininga si Jette. “‘Yung Papa ko, binubugbog niya ‘ko. Kaya para wala na siyang bugbogin magpapakamatay na lang ako.” Umismid siya, sa paraan ng pananalita niya ngayon parang bibili lang ng fishball sa canteen ang gagawin niya. “‘Pag namatay ka, hindi ka na makakaganti sa kanya,” sabi ko. “Tss, ano namang igaganti ko sa kanya? Bubugbugin ko rin siya?” Napairap ako sa kanyang sagot. “Edi sampalin mo siya ng diploma!” sabi ko. Freya chuckled beside me kaya tiningnan ko siya. Maiinis sana ako sa tawa niya kaya lang bagay naman sa kanya. “Sweet revenge,” si Claudine. Napatingin ulit ako kay Claudine. Okay I get it, grades. Para sa iba mababaw na dahilan para malungkot. Pero para sa ibang tao, hindi ganun kadali ‘yon. Oo nga naman, iba-iba kami ng kinakaharap. Walang mahirap, walang mas madali. Iba-iba dahil magkaiba kaming lahat. Iba-iba dahil hindi kami pareho kung paano makipag-cope sa mga problema. “Ikaw? Bakit ka nandito?” tanong sa ‘kin ni Leo. Natahimik ako sa tanong niya. Gusto ko sanang sabihin na trip ko lang tumambay rito pero gusto kong magpakatotoo. Gusto kong sabihin ang totoo ngayon. Hindi ko alam kung bakit sa kanila ko napiling sabihin ito gayong hindi naman kami close lahat. Pero, siguro naging komportable ako dahil alam kong pareho kaming may pinagdadaanan lahat dito. At least alam ko na hindi perfect ang mga tao rito, hindi sila manghuhusga. “Buntis ako,” I told them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD