CHAPTER 10
“Buntis ako.” There I said it to them. Ilang segundo akong natulala bago isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga reaction nila. Freya and Claudine are both shock, their jaws dropped. Pareho namang malamig ang titig nina Leo at Jette. Inirapan pa ‘ko ni Jette.
“R-really?” gulat na ani Claudine. Naabutan ko ang pagtingin niya sa ‘king tiyan. Napaahon din si Freya sa gulat.
Tumango ako kay Claudine, “For real. At tinakbuhan ako ng ama ng bata.” I dropped the ball while smiling sarcastically. What’s the sense of hiding? Malalaman din naman nilang lahat. But at least, may nasabihan na ‘ko nito. It’s not a secret of mine alone. May nakausap na rin ako tungkol sa bagay na ‘to. Kay Lola sana, kaya lang nahihiya ako sa kanya. Pabigat na nga ‘ko mas lalo pa ‘kong nagpabigat.
“You’re not joking right?” ani ulit Claudine. Mukhang ayaw niya talagang maniwala sa ‘kin.
“Mukha ba ‘kong nagjo-joke?” pilosopo kong ani sa kanya. Umismid siya at muling napatingin sa tiyan ko.
“N-nakakagulat,” bulong ni Freya. “‘Yung boyfriend mo ba iyong matangkad na lalaki? ‘Di ba nag-transfer na ‘yon?” tanong niya sa ‘kin.
Ngumuso ako at umiling, “Correction! Ex boyfriend na, matagal na kaming hiwalay.”
“So, your boyfriend runs away after he found out that you’re pregnant?” Claudine said. Sinamaan ko naman siya ng tingin, kailangan pa bang e-point out ang obvious? “I mean, ex boyfriend.” Bawi niya sa sinabi. Ngumiti siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin pagkatapos.
“Mabuti na rin ‘yung lumayas siya, hindi ko rin naman siya kailangan, ‘no!” Umirap ako at pinagdiskitahan ang bato sa ‘king paanan.
“He’s an assh*le then.” Nagsalita si Jette kaya binalingan ko siya.
“Oh, nagsalita siya,” I said mocking him.
“Shut up!” iritadong aniya. Itinaas ko ang palad sa kanila.
“Huwag n’yo nga ‘kong ma-English-english dyan! Nakakadugo naman kayo sa ilong!”
“Hindi ka mukhang buntis, ilang weeks na ‘yan?” mahinhin na tanong ni Freya. Bumaba rin ang tingin niya sa tiyan ko at mukhang gusto niya itong hawakan. I don’t know but my heart suddenly melt at that thought.
“Maybe because she’s a petite?” Claudine said.
“Teka nga!” Tiningnan ko silang lahat. “Hindi ba kayo mandidiri sa ‘kin? Alam ko na maganda ako pero pangit din ang reputation ko sa school na ‘to, sa kabila’t kanan na mga chismis nadadawit ang pangalan ko kaya alam kong pangit ang impression sa ‘kin ng lahat. Ngayong nalaman n’yo na buntis ako, hindi kayo mandidiri sa ‘kin?”
Pumungay ang singkit na mga mata ni Claudine. “I’m actually shock. Wait, parang I still can’t believe.” Huminga siya nang malalim at humilig sa pader. Parang ngayon niya lang pinapasok sa kokoti niya ang sinabi ko.
“Nakakagulat nga. . .” Napatingin ako kay Freya nang siya naman ang magsalita. “Pero sino naman kami para husgahan ka? Alam kong lahat tayo rito ay may pinagdadaanan, sa baba ng mga matatayog na pader na ‘to, puno ng pangungutya sa ‘tin ang mundo. May rason tayo para sa mga nagawa pero kahit anong klaseng paliwanag ang ating gawin, hindi nila maiintindihan dahil sarado ang kanilang mga utak. Tayong lima, alam nating hindi tayo perpekto. Alam nating may mga pagkakamali tayo na tanging tayo lang ang nakakaintindi. Kaya sino pa pa ang magkakaintindihan dito ngayon? Tayo lang din.”
So, she’s saying that she understands me?
Tama si Freya, kahit anong gawin kong paliwanag sa mundo. Ako pa rin ang nag-iisang makakaintindi sa sarili ko. May mga taong naiintindihan ako, pero hindi ganun kalalim kung paano ko naiintindihan ang sarili ko.
This may sound selfish but this day, I learned to love myself more. Dapat, hindi ko kinakamuhian ang sarili ko, ang pagkakamali ko, at ang buhay na meron ako ngayon. Nagkakamali ako pero ang mahalaga naman ay kung bakit ako nagkamali. Dapat matuto akong itama ang pagkakamali na ‘yon.
Pakiramdam ko ay nag-init ang puso ko, I don’t feel any barriers right now with them. Hindi ko sila close pero ganito na kaagad ang nararamdaman ko. Nakakatuwa lang malaman na may taong kahit papaano ay alam at pilit na nag-iintindi kung bakit nagkakamali ang isa tao. I saw. . . hope right now.
“Lagi kong tinatatak sa isip ko na wala akong karapatan na manghusga sa ibang tao dahil hindi ako perpekto. Kahit na. . . puno sila ng mga panghuhusga sa ‘kin.” Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pinalis niya ang luhang tumulo at agad na tumingala.
“I’m sorry,” I said to her. Aminado akong isa ako sa mga taong nanghuhusga sa kanya. She seemed genuine, mukhang hindi niya nga magagawa ang magnakaw. Pinaniwalaan ko ‘yon dahil ‘yon ang sinasabi ng iba sa kanya.
She smiled at me, “Tinatanggap ko ang sorry mo. Salamat din.”
“Ako rin, gusto kong mag-sorry sa ‘yo Freya, I accused you of stealing my watch before. Hindi mo naman ‘yon ginawa ‘di ba?” ani Claudine. Natatandaan ko pa ang insedente na ‘yon. Natagpuan sa bag ni Freya ang nawawalang relo ni Claudine.
“Hindi ko ginawa ‘yon Claudine Hindi ko talaga alam paano napunta sa bag ko ang relo mo noong araw na ‘yon. Hindi ko alam bakit—”
“I believe you now, I’m sorry kung natagalan pero. . . I’m really sorry. Dapat ay hinayaan kita na magsalita.”
“Thank you, sorry accepted,” ani Freya. Napatingin naman kami sa mga boys. Agad na nag-iwas ng tingin si Jette. Naghintay kami ng ilang segundo sa kanya kaya iritado siyang nagsalita.
“Oo na! Sorry na, hindi na kita aasarin na magnanakaw—”
“Jette,” may pagbabanta sa boses ni Claudine. Umawang naman ang labi ni Jette.
“Ang genuine, ah?” sarkastiko kong ani bago bumaling kay Leo. “Ikaw? Magso-sorry ka kay Freya?” Tumingin si Leo sa katabi ko.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Hindi ako manghihingi ng tawad. . .” ani Leo sa seryosong boses. Kumunot naman ang noo ko.
Freya smiled at him, “Okay lang—”
“I never judged you,” dagdag niya sa sinabi. Umawang naman ang labi naming lahat.
“Salamat kung gano’n,” ani Freya sa banayad na boses. Her eyes are now glittering with genuine happiness and touch of freedom and acceptance.
“Ikaw Jette? Ilang taon ka nang binubugbog ng papa mo?” I striked a conversation. Sinusubukan ko at baka mag-open up siya. Sa aming lahat, ang itsura niya ang pinaka problemado. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Well, palagi naman siyang gan’yan, eh. Hindi na nakakapagtataka ‘yon.
“Simula noong. . . bata pa ‘ko,” tulalang aniya. Bigla na lang bumigat ang hangin sa pagitan naming lahat. “Tss. Funny right? Bully ako sa school pero ang totoo. . .” Umiling siya.
“I think you should say sorry to Leo, lagi mo siyang binu-bully,” si Claudine ang nagsalita. “You have your share of problem, mali na ibuntong mo ‘yon sa ibang tao. There’s another way to let out your frustrations,” dagdag nito.
Now I slowly get it, kung bakit siya nambu-bully. For the power, para hindi niya matawag ang sarili na mahina.
“You think nagmumukha kang malakas kapag napapasailalim mo ang iba? Hindi, you become loser.” Mabibigat ang mga salitang binitiwan ni Claudine, hindi ko akalain na makakaya niyang sabihin ‘yon sa isang Jette Castro.
“I’m already a loser, kaya nga tataposin ko na ang buhay ko ‘di ba?” sagot sa kanya ni Jette.
“Kung magpapakamatay ka, habang buhay ka ng magiging loser. Wala ka ng magagawa para mabago ang buhay mo. ‘Yon ba ang gusto mo?” sagot ulit ni Claudine.
“Tss, coming from you?” Tinaasan siya ng kilay ni Jette kaya natahimik si Claudine.
“Funny how good you are in giving advices to other people, pero sa sarili mo. . . hindi mo ma-apply.” Napatingin kaming lahat kay Leo, he’s breaking the ice.
Tumango ako sa kanya, sumasang-ayon. Madali kasing bumitiw ng salita, madaling mag-utos pero mahirap gawin at sundin.
“Ikaw? Nandito ka dahil sa mga bullies mo?” tanong ko sa kanya.
“Lagi akong pumupunta rito,” aniya sabay iwas ng tingin. Katahimikan ulit ang bumalot sa ‘ming lima.
Natahimik na lang ako kaiisip kung paano ako napunta rito, paano ko nakasama ang mga ‘to, at kung bakit magaan ang pakiramdam ko sa kanila.
Jette sighed. Sa sobrang lalim ng buntonghininga niya ay narinig naming lahat.
“I’m sorry, Leo.” Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Nagpalipat-lipat ang tingin namin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o hindi. Hindi naman sumagot si Leo sa kanya.
“I-ilang months ka ng buntis?” mahinang tanong sa ‘kin ni Freya. Bumaling ako sa kanya at tipid na ngumiti.
“Three months,” ani ko. Napatango naman siya.
“So, what’s your plan right now?” tanong ni Claudine. Napatingala naman ako sa langit at saglit na nag-isip.
“Wala akong plano bukod sa magpatuloy sa buhay.”
“I’m glad you have hope.” She smiled at me.
I chuckled lightly, hope. . . always push us to keep hanging, to keep going. Hope is always our choice in despirate times.
But. . . I just realized what’s the most beautiful hope today. Naisip ko habang nakatingala ako sa langit. Hindi ako madasaling tao pero sa oras na ‘to ay pakiramdam ko nabigyan ako ng pag-asa mula sa Kanya.
To hope that He is there, that He will always be there. To hope that He will shelter us and will give us light. To Hope that He will give us home.
God is alive, that’s the most beautiful hope. The most beautiful thing to have hope, because He is there.
Nang mag-ring ang bell ay sabay kaming tumayo lahat. Pinagpagan ko ang suot na palda at inayos ang sarili.
“‘Yung mga napag-usapan natin ngayon, pwede bang sa atin na lang ‘yon? Sana hindi na lumabas sa iba,” I told them. Agad naman na tumango si Claudine.
“I agree,” she said and smiled at me.
“Ako rin, sana hindi na ‘to makaabot sa iba,” si Freya. Napatingin naman kami sa boys. Pareho lang silang nagkibit ng balikat. They agreed.
Hindi ko alam kung ano’ng mangyayari pagkatapos ng araw na ‘to, pagkatapos naming makalabas sa pinto ng rooftop at pagkatapos naming makababa.
Isa lang ang sigurado ako, another hope was added to me. Sa sandaling panahon ay nagkaroon ako ng kapayapaan sa gitna ng kagulohan.