CHAPTER 11 Groupmates

2162 Words
CHAPTER 11 “Kamusta ang araw mo? Ang pakiramdam mo?” salubong sa ‘kin ni Lola pag-uwi ko ng bahay. Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. “Ayos naman po, ayos din po ako,” I said to her. Nagsinungaling ako para hindi na siya mag-alala. Lately, nakikita kong medyo stress siya sa trabaho niya sa munisipyo kaya ayaw ko ng dumagdag. Sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit lagi siyang mukhang pagod, sasabihin niyang nag-iilusyon lang daw ako. “Tumawag sa ‘kin ang mama mo, magpapadala raw siya ng pera sa ‘yo?” Napabuntonghininga ako at tumango. “Opo, nakausap ko siya sa cellphone kanina.” “Mabuti naman at naisipan niyang magpadala sa ‘yo? Kailangan pa siyang tawagan para lang magbigay ng pera! Hay naku! Ito ang mahirap sa mga anak na nag-iiwan ng anak sa ina!” Pumasok na lang ako sa kwarto habang pinapakinggan ang sermon ni Lola. Pusta ko ay isang oras o dalawa bago matapos ‘yan. Humilata na lang ako sa kama at nagpasyang mag-scroll sa mga social media accounts ko. Agad akong napairap nang makita ang pangalan ni Emily sa wall ko. Nag-change siya ng profile picture. Tss, kung may kapangyarihan lang ako ay binarang ko na ang babaeng ‘to! Ang kapal kasi talaga ng mukha. Sa school ay hindi na kami nagpapansinan, okay lang. . . hindi naman siya importanteng tao. Wala naman siyang nakakatuwang naambag sa buhay ko kaya hindi ako nanghihinayang na nasira ang pagkakaibigan namin. May isang beses na sinubukan niya akong pansinin ngunit napahiya lang siya. Ang akala niya siguro ay makikipag-plastikan ako sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa ‘kin. Mabuti na lang at hindi sinabi ni Emily ang tungkol sa pagbubuntis ko. Marunong din pala siyang tumahimik at magtago ng sekreto. Sa nakalipas na buwan, simula nang umalis si Glen konti pa lang ang nakakaalam na buntis ako. Pero sa mga nangyari sa araw na ‘to, sigurado akong kakalat na sa Lunes na buntis si Krisha Fyel Reyes. Pinindot ko ang pangalan ni Emily at blinock. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya. Sa tuwing nakikita ko siya sa personal o sa picture man ay gustong-gusto kong basagin ang pagmumukha niya. Nag-chat sa ‘kin si Kruise, isa sa mga ex ko. Nangangamusta pero hindi ko na ni-replayan. Alam ko naman kung saan patungo ang magiging usapan namin. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay baliw na baliw pa rin sa ‘kin ang lalaking ‘yon. Marami pang nagchachat sa ‘kin, ang iba ay taga-kabilang school pero mas marami ang schoolmates ko. Simula noong nalaman kong buntis ako ay nawalan na ‘ko ng gana na mag-reply sa mga ganitong chats. Lalandi pa ba ‘ko, eh may problema na nga ‘kong kinakaharap? Nang magsawa kaka-cellphone ay bumangon na ‘ko at nagpasya na gawin na lang ang mga assignments. Habang ginagawa ko ‘yon ay bigla kong naisip sina Claudine, Freya, Jette, at Leo. ‘Yung nangyari sa rooftop, sobrang kakaiba. Hindi ko akalain na makikilala ko ang mga ‘yon sa panahon na ‘yon. Classmates ko na sila at schoolmates since Grade Seven pa lang pero hindi ko talaga close. Pero kanina. . . nakilala ko ano ang nasa mga loob nila. Hindi naman ako magnet ng positive thoughts, hindi ako ‘yung klase ng tao na madaling makaintindi sa ibang tao. Madalas naman kasi ay wala akong pake. Pero kanina. . . medyo na-realize ko, medyo naiintindihan ko. People act the way they did because of what they are going through. The same with me, and the same with Jette. Nagpapaka bulakbol si Jette sa school at nambu-bully dahil nagrerebelde siya sa ama na nambubugbog sa kanya. He wants to have power ‘cause he felt like a loser when he’s father is hurting him. Dahil sa sakit na natatamo niya, napapasa niya ito sa ibang tao. I realized how life is like a chain, how life is accord to one another. Kung masama ang naituro, masama rin ang magiging resulta. Bigla ko lang naisip, what would life be if it’s the other way around? Kung mabuti ang naituro sa lahat, mabuti rin ang magiging resulta. Sana ganito lahat. Napahinga ako nang malalim, masyado ng malalim ang iniisip ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising, total ay wala namang pasok dahil Sabado . . nagpasya na lang ako na diligan ang mga halaman ni Lola sa harap ng bahay namin. Mabuti na lang at hindi masama ang pakiramdam ko ngayong araw. I can sense na magiging good vibes ang buong araw ko. Palugit yata para sa stress na haharapin ko sa darating na Lunes. Nagpaplano na rin ako na sabihin sa mga teachers ang kalagayan ko. Magtatanong na ‘ko sa mga maari kung gawin sa oras na lumaki na ang tiyan ko. Tinali ko ang buhok at agad na naghilamos. Kinuha ko ang hose sa cabinet at nagsimulang magdilig sa labas. “Krisha! Nand’yan ka pa pala! Akala ko ay ayaw mo ng masikatan ng araw, hindi ka na lumalabas sa inyo, ah?” Napangiwi ako nang dumaan si Aling Liting, kapitbahay namin na ugaling mag-almusal ng chismis. Dati akong nakikipag-chismisan sa kanya pero retired chismosa na ‘ko ngayon. Nakakapagod kasing pag-usapan ang ibang tao, wala namang magandang naidudulot. “Abala ako sa maraming bagay,” sabi ko na lang. Nilinis ko ang paso ni Lola, nagpapanggap na sobra akong abala para hindi na niya ‘ko kausapin pero hindi pa rin siya umaalis. “Pansin ko nga, medyo sumipag ka, ah?” Nagdilig lang sinipag na agad? Wow, ah! “Uy! Alam mo ba na pinagtsi-tsismisan ka nila Aida?” “Hindi, pero hindi na ‘ko magtataka,” mahina kong ani habang abala naman sa orchids ni Lola. “Ha? Ano ‘yon?” Peke akong tumawa. “Ano naman ang tsismis tungkol sa ‘kin?” tanong ko. “Ang sabi buntis ka raw kaya hindi ka na lumalabas sa bahay n’yo tuwing walang pasok,” ani Aling Liting. Napahinga na lang ako nang malalim. Bigla akong nawalan ng gana na magdilig ng halaman. Parang mas gusto kong diligan ng tubig ang bunganga niya, nakakainis! “Ano ba ‘yan Liting! Kaaga-aga inaano mo ang apo ko!” Mabuti na lang at dumating si Lola. Tumawa naman agad si Aling Liting. “Sinasabi ko lang kung ano ang sinasabi ng mga taga-barangay tungkol kay Krisha.” “At bakit n’yo naman pag-uusapan ang apo ko?” masungit na ani Lola. Tipid naman akong napangisi. Hala, d’yan ka magparatrat ng salita. “Ah, naku! May naiwan pa pala akong sinaing doon, alis muna ako. Krisha, dumalaw ka sa bahay namin minsan.” Tumango na lang ako kahit na wala naman talaga akong plano. Napailing naman si Lola at may kung ano-anong binulong. Ngumiti siya sa ‘kin at tipid na ngumiti pagkatapos. Wala naman akong gaano ginawa nang Linggo bukod sa pagsama kay Lola sa simbahan. Mabilis lang ang araw at Lunes na naman, five straight days na naman akong papasok sa school. Ang bilis talaga ng oras kapag walang pasok. Nasa gate pa lang ako ng school ay rinig na rinig ko na ang pangalan ko na nagbubulungan. In-expect ko na ‘to pero nagulat pa rin ako. Wow Krisha! Sikat ka na naman! “Siya ‘yon ‘di ba? Si Krisha?” anang isang babae nang dumaan ako sa tapat nila. Hinila pa niya ang kaibigan na kasama para bulongan. “Oo siya ‘yon, tingnan mo naka-jacket nga. Halatang may tinatago.” Napabuntonghininga na lang ako at napailing. Brace yourself Krisha, simula pa lang ‘to. Garabe, ah! Gandang bungad, nasa gate pa nga lang ako. “Alam n’yo ba? Buntis daw si Krisha?” “Talaga? Sino raw ama?” “Saan mo nalaman?” ‘Yan lang naman ang iilan sa mga bulongan na naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway. Sigurado akong hindi sina Jette, Claudine, Freya, at Leo ang may pakana kung bakit kumakalat sa campus ngayon ang tungkol sa pagbubuntis ko. Somehow, I trust them. May hawak akong sikreto nila kaya hindi nila pwedeng sabihin ang akin. Sigurado akong ‘yong mga Grade Eight student ‘yon na naabutan ang pagsusuka ko sa comfort room noong Friday. Talagang may galit yata ‘yong isa sa ‘kin dahil ex ako ng kuya niya. Pinandidirihan niya raw ako. Sino’ng kuya kaya ‘yon? Ang pangit naman ng kapatid niya. “Krisha, totoo ba ‘yon? Buntis ka raw?” At may humarang na nga sa ‘kin. Si Arlo, ex boyfriend ko na taga-kabilang section. “Sino’ng nagsabi sa ’yo?” Humigpit ang hawak ko sa dalawang straps ng bag. Umiling siya at tumingala sa langit, tila natatawa. “Hindi na mahalaga ‘yon. So, totoo nga?” ani ulit. Hindi ko alam pero nababasa ko ang galit at sarkasmo sa mukha niya. “Ano naman sa ’yo kung totoo o hindi,” malamig kong ani. Nagulat ako nang bigla niya na lang hawakan ang braso ko. “Krisha!” Agad akong nakaramdam ng takot nang makita ko ang galit at panggigigil sa kanyang mga mata. “Arlo ano ba! Bitiwan mo nga ‘ko!” Pinanlakihan ko siya ng mata habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao! “Krisha I waited for you! Tapos magpapabuntis ka lang sa iba?” My eyes widened. “Ano? Hindi ko na kasalanan ‘yon! Bitiwan mo nga ‘ko!” Parehong takot at galit ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking kaharap. “B-bakit noong ako hindi ka naman nagpa—” Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang bumulagta sa sahig si Arlo. Hindi ko alam paano nangyari pero sobrang bilis ng lahat. Nakita ko na lang na nakatayo na si Jette sa gilid ko habang kuyom-kuyom ang kamao. My jaw dropped, mas lalo akong kinabahan gayong napakarami na ng mga nanonood sa nangyayari. “Umalis ka na,” ani Jette sa malamig na boses. Ako ay nanatiling gulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Arlo groaned in pain kaya napatingin ako sa kanya. Napaatras ako, takot sa maari niya pang gawin. I’m torn between choosing to stay or to leave since ako naman ang dahilan ng kaguluhan na ‘to. Sa huli ay inisip ko na lang ang kapakanan ng sarili, pinili ko ang lumayo at pumunta sa classroom namin. Sa sobrang occupied ko ay hindi ko namalayan na nakapasok na ‘ko sa classroom namin. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang mga kaklase na ako ang pinag-uusapan. Natakot ako kay Arlo dahil hindi ko inaasahan ang pangha-harass na ginawa niya. Mabuti na lang at dumating si Jette kung hindi baka may malala pang nangyari sa ‘kin. Napahinga na lang ako nang malalim at kalaunan ay kumalma na. Some of my classmates attempted to ask me about the issues spreading inside the campus. Hindi ko sila sinagot at nagpanggap na hindi narinig ang mga tanong nila sa ‘kin. Natahimik lang yata ang lahat nang pumasok na ang teacher namin sa classroom. “We’re going to have a group activity for our P.E class. I’m going to group you into eight groups, five members each group.” Dahil sa announcement ng teacher namin ay nagkagulo ang klase. Meron ng iba na nangunguntrata kung sino ang mga makaka-grupo nila. “Ma’am, kami na lang po nila Cheska,” ani ng isa kong kaklase. “To make it fair, magka-counting na lang tayo,” ani Ma’am agad naman ang reklamo ng mga kaklase ko. “Mr. Pasolohan, start the counting.” We started to count one to eight. “Five,” sabi ko nang ako na ang magka-counting. Sumunod naman ang katabi ko na six. Fourty kaming lahat sa room kaya sakto lang ang eight groups with five members each. “So, you can go to your group now guys to discuss the activity. Group number one dito kayo, group two doon, three there, and so on. . . ” I poked the inside of my cheek when I saw who are my groupmates. Nakahalukipkip akong nakaupo habang isa-isa silang pinapasadahan ng tingin. Leo, Claudine, and Freya. “Ano ‘to? Destiny?” natatawa kong ani. Nagkibit naman ng balikat si Claudine at natawa na rin. Freya bit her lower lip to stifle her smile. Buntonghininga naman ang ginawa ni Leo. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Jette, siya lang ang hindi naligaw sa group namin kaya lang hindi ko siya nakita. Hindi ko napansin na wala siya sa classroom. Nag-cutting ba ‘yon? “Mr. Castro? Ang aga natin, ah?” Napatingin ako sa pinto nang sabihin ‘yon ni Ma’am. There he is. “Morning Ma’am,” tamad na aniya. “Sino’ng group ang apat lang ang member?” tanong ni Ma’am. Agad naman kaming nagkatitigan apat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD