CHAPTER 16
Claudine Sy
PRESSURE is my inspiration, I’m always like that. No room for mediocre, always aiming for the highest spot. I isolate myself too much that when I met him, I feel the freedom I’ve always wanted. But. . . it was short-lived.
Everything started with that summer. . . my both fairytale and nightmare.
“Clau, nandyan na ang parents mo.” Bumuntonghininga ako sa sinabi ni Yaya. Hinawi ko ang sagabal na bangs na tumutusok sa ‘king mata. Ewan ko ba bakit ko naisipang mag-bangs! Siguro ay bored na bored na talaga ako sa buhay ko.
“Sige po, bababa na ‘ko.” I said and smiled at her. Malambing naman ang tingin na ibinigay niya sa ‘kin.
“Katatapos pa lang ng school year n’yo nag-aaral ka na? Magpahinga ka naman Clau, hindi naman basta-basta bababa ang grades mo kung hindi ka mag-aral ng isang Linggo. Baka sa ginagawa mong ‘yan maging kasing talino mo na si Albert Etsin, ay hala sino nga na ‘yon? Ah, basta!” Ibinaba ni Yaya ang mga bagong laba kong damit at isinalansan sa kulay brown kong cabinet malapit sa bathroom ko.
“Einstein po,” natatawa kong ani. “Hindi ako pwedeng magpakampante. Saka isa pa Yaya, wala naman akong ibang ginagawa sa bahay bukod sa mag-aral,” sabi ko habang nilalaro ang ballpen sa ‘king kamay. Sa harap ng study table ko ay ang iba’t ibang kulay ng post it note na nakadikit sa board. Ang iba ay inspirational quotes tungkol sa pag-aaral, marami ay ang mga important point sa mga inaaral ko, lalo na ang mga formula sa Mathematics.
Sa totoo lang marami akong gustong gawin. Kaya lang ay hindi pwede, iba ang priority ko.
“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Hindi ba sabi mo sa ‘kin noon ay gusto mong mag-aral ng bike kapag bakasyon n’yo na?” Napatitig ako kay Yaya, namamangha na naaalala niya pa ‘yon.
Yaya Zette is twenty-three years old, she’s our youngest house help and she’s been working for us since she turned eighteen. Siya ang pinakamalapit sa edad ko sa bahay kaya naman siya ang nakakausap ko sa mga bagay na gusto kong gawin.
“I told Daddy about it,” I said. Patukoy ko sa kagustohan na mag-aral mag-bike.
“Oh, ano’ng sabi niya?”
“He told me that it’s not needed, but he’s going to think about it daw.”
“Kailan mo sinabi?” Umupo siya at inayos naman ngayon ang ibabang parte ng damitan ko.
I sighed heavily before closing the book I’m reading. Muli kong hinawi ang sagabal na bangs bago tumayo at saglit na nag-stretching. “Before the school year ended, I told him my plan but. . .”
“But?” Yaya said, urging me to continue what I’m going to say. Tinaasan niya pa ‘ko ng kilay.
“But I haven’t recieved any response from him yet. Nakalimutan na niya yata.”
“Ha? Edi ipaalala mo.” Malungkot naman akong ngumiti sa kanya.
“Parang hindi ka naman nasanay kay Daddy. The fact that he doesn’t bring it on a topic again with me, it means it’s not important. And automatically, the answer is no.”
“Eh, hindi ba gusto mo ‘yon?” malungkot na rin na aniya. “You told me about it for a lot of times.”
“It’s fine with me. Tapos ka na Yaya? I’ll change and bababa na ‘ko after.” Tumango siya sa ‘kin at agad na nagpaalam.
I went inside my bathroom and combed my long straight hair. Bagay naman sa ‘kin ang bangs ko pero naiinitan ako, sagabal din sa pag-aaral ko. Nilagyan ko na lang ng clip para hindi gumulo, I smiled at my reflection. I found myself cute with this teddy bear hair clip.
Maliit at bilogan ang mukha ko, singkit ang mga mata at may matangos na ilong. My father is half chinese and that explains my surname. My mon is a pure Filipina kaya hindi gaano nahahalata na may dugo akong Chinese. I have a very pale skin that sometimes it becomes my insecurities. Soft naman ng konti ang features ko pero mukhang marami ang nasusungitan sa ‘kin, lalo na sa school.
I’m always silent but I observe people around me all the time. Funny but minsan nagiging hobby ko ang pagtingin sa ibang tao at pagsubok na basahin kung ano’ng laman ng mga puso nila. I’m boring right? Argh! I should get a life.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad na ‘kong bumaba para sabayan sina Mommy at Daddy sa dinner. Like our usual dinner, it’s silent. Minsan ay nag-uusap sila tungkol sa business namin, madalas ay tinatanong nila ako ng mga kung ano-ano tungkol sa pag-aaral ko.
“Claudine, what’s your plan for this summer?” my mother asked me. Her dark lipstick and matured look always give her that fearful aura. Magaling na bussinessman ang parents ko, they are known for being strict and stoic na siguradong namana ko rin. Daddy is more scarier than Mom, he may look cool and silent pero kakaiba siya magalit.
“Claudine I’m asking you, what’s your plan for this summer?” she asked me again. Summer? Hindi pa natatapos ang March, mainit na rin ang panahon pero wala akong maramdaman na summer.
“Ah, study po?” I answered.
“You should, dapat ay lampasan mo lahat ng grades mo from the last school year. You’re turning Grade-Ten Clau. Graduating for Jr. High. I’m hoping that you can make me proud by becoming a valedictorian okay?” Napayuko ako sa sinabi ni Daddy.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at dahan-dahang tumango.
“Yes Dad.”
“Since you don’t have a plan for this summer, I will enroll you in a Mandarin and English class. May Academy sila sa bayan so you better study there.” Tumango ulit ako kahit na ang totoo, ayaw ko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? They always plan my life at ang tanging sasabihin ko lang ay, “Yes Mommy, yes Daddy.”
I immediately went upstairs after the dinner. Habang nakahiga sa kama ay iniisip ko ang Academy na sinasabi ni Mommy. Ayaw ko pero mabuti na rin siguro ‘yon para may pagkaabalahan ako this summer. I can’t be stock in this four corner room for two months!
And that’s what happened.
First day of April, may klase na kaagad ako. MWF is my schedule and today is Friday. According to the details I read about the class, three hours lang ang duration eact session. We’ll start at three in the afternoon and will end at six.
It was a twenty minutes ride from our house bago makarating sa academy. At dahil maaga pa naman, nagpasya akong bumaba na lang sa kanto ng academy. Malapit lang naman kaya lalakarin ko na lang. The street is kinda busy, kaliwa’t kanan ang mga establishments gaya ng restaurants and cafe. Naaliw ako sa mga nadadaanan ko kaya worth it ang ginawa kong pagbaba sa kanto.
“Bookaffe,” basa ko sa isang sign board. Masyadong malaki ang sign board nila kaya agad kong napansin. Salamin ang caffe kaya naman kitang-kita ang nasa loob. Nasa right side ay ang counter ay mga tables na gawa sa kahoy, may pa yellowish light effect pa sila na nagdagdag sa drama. Sa left side ay hilira ng mga bookshelves at punong-puno ito ng mga libro.
It really caught my attention. Tiningnan ko ang relo at may thirty minutes pa ‘ko bago magsimula ang class. Nagpasya akong pumasok sa caffe.
Pagbukas pa lang ng pinto ay agad nang sumalubong sa ‘kin ang pinaghalong amoy ng kape at mga libro. Bagay na bagay ang pangalan niya.
I immediately went and search for books on their book shelves. Marami sa kanilang furnitures ay gawa sa kahoy, May mga paintings din sa mga walls na ang main themes ay sunset and sunrise. Sa magkabilang corners ng left wing ay mga mga sofa and couch na maaaring upuan ng gustong tumambay at magbasa.
This place is beautiful, I think I found a perfect place for me.
Konti lang ang tao sa loob, siguro ay dahil sa hindi busy ang ganitong oras?
I searched for a certain book, matagal ko na ‘yong hinahanap at hindi ko talaga makita kahit sa online. They have a lot of books in here, hindi ko inakala na ganito kalapad at karami ang shelves nila.
I continued searching for that book and I almost scream when I found it. I can’t believe that it’s here!
Kinuha ko ito sa shelve at isang pasada pa lang ay gustong-gusto ko na itong iuwi. I bit my lower lip when I felt someone is behind me. Masyado akong excited at baka isipin ng taong ito na timang ako.
My phone suddenly rang on my tote bag kaya natata kong pinatong sa shelve ang hawak na libro para makuha ko ang cellphone sa bag. Kaya lang, hindi ko yata naayos ang paglagay at agad itong nahulog.
Inuna kong pindotin ang answer button, ni hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Niyuko ko ang libro para kunin ngunit may ibang kamay ang naunang kumuha nito.
I laid my eyes to him and I can say that he’s familiar. Very. . . familiar.