CHAPTER 15.2

1611 Words
CHAPTER 15.2 Naligo muna ako at nag-ayos saglit bago pumunta sa hospital. Nagdala na rin ako ng mga sarili kong gamit dahil balak kong doon na matulog. Hindi ko alam kung papasok ako bukas sa school pero bahala na. Wala kasing ibang magbabantay kay Lola, nag-iisang anak niya si Mama kaya naman wala akong tiya o ibang pinsan na magbabantay sa kanya. Pinaalam ko na rin kay Mama ang tungkol kay Lola pero mukhang wala talaga siyang balak na umuwi. Magpapadala na lang daw siya ng pera para sa hospital bills. Hindi ko talaga alam paano nagagawa ni Mama ‘yon, pinabayaan niya na nga si Lola iniwan pa niya ko rito. As if naman din na gusto kong sumama sa kanya. “Oh, nandito ka na pala Krisha,” si Aling Liting nang pumasok ako sa kwarto ni Lola. Naabutan ko siyang nagtsi-tsismis ng kung ano kay Lola. “Opo, salamat po sa pagbabantay kay Lola. May dala nga po pala akong pagkain, binili ko sa labas. Kumain po muna kayo,” sabi ko. Binalingan ko si Lola at nginitian, nakaupo siya sa hospital bed habang nakalagay ang kumot hanggang sa kanyang bewang. “Naku! Nag-abala ka pa Krisha, pero salamat dito, ah! Sa labas na ‘ko kakain para makapag-usap kayo ng Lola mo.” Tumango lang ako kay Aling Liting, saglit siyang nagpaalam kay Lola bago tuloyang umalis. “Kamusta na po ang kalagayan mo, La? May masakit pa ba sa ‘yo?” tanong ko sabat lapit sa kanya. Nagmano ako at umupo sa upuan na nasa tabi lang ng kama. “Paulit-ulit ka ng tanong Krisha,” aniya. “Kasi po, nag-aalala po ako sa ‘yo,” tila matanda kong ani. Agad namang sumimangot si Lola kaya natawa ako. “Huwag mo ‘kong alalahanin dahil matanda na ‘ko. Ikaw, atupagin mo ang sarili mo dahil buntis ka Krisha! Hindi ka na dapat nagpapabaya sa sarili mo.” Bigla kong naalala na muntik na ‘kong mahahip ng sasakyan, mabuti na lang talaga at nahigit ako ni Leo. Bigla tuloy akong na-guilty. “Kayo rin po, dapat sinasabi n’yo ‘yan sa sarili n‘yo,” balik ko sa kanya. “Ginagawa ko ang trabaho ko dahil kailangan kong kumayod para sa ‘yo at d’yan sa pinagbubuntis mo.” “I’m sorry po, La.” Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Nasasaktan ako sa sinabi ni Lola dahil iyon ang totoo. Masyado kong iniisip ang sarili ko rati kaya nakalimutan ko ang mga nakapalibot sa ‘kin. Ngayon tuloy ay puno ako ng pagsisisi. “Krisha,” aniya sa mahinahon na boses. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. “Hindi ko sinabi ‘yon dahil nagrereklamo ako sa ‘yo. Gusto ko ay maibigay sa ‘yo ang mga pangangailangan mo.” Nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko, alam ko na kung ano’ng sunod nito. “Kaya nga po, I’m sorry. Una sa lahat, hindi n’yo naman po dapat ako responsibilidad dahil may ina naman ako at hindi siya baldado, may tahanan din siya at pwedeng-pwede ako roon. Pero, nandito kayo, ginagawa ang responsibilidad bilang ina na in-fact, graduate naman na dapat kayo roon.” Suminghap ako at pinalis ang luha. “Krisha, walang graduation sa pagiging ina. Kasi once na pinasok mo na ang responsibilidad na ‘yon, panghabang-buhay na.” She chuckled lightly. “Alam kong sobrang bata mo pa at alam ko rin na hindi mo pa tuloyang natatanggap na magiging ina ka na. . . pero Krisha, iyon ang katotohananan. Sa ayaw at gusto mo kailangan mo iyong tanggapin gayong nariyan na ‘yan.” Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit, konti lang ang naiintindihan ko pero alam ko ang ibig niyang sabihin. “Thank you ng marami, La. Kahit kailan hindi mo ‘ko iniwan. Pasensya na sa pagkakamali kong ito.” “Aaminin kong nagalit ako nang malaman kong buntis ka. Hindi ko matanggap kasi alam ko, hindi naman ako nagkulang sa pagpapalaki ng tama sa ‘yo. Alam kong bago na ang henerasyon n’yo at marami na ang nagiging ina sa murang edad pero Krisha. . . mali pa rin, eh. Ang mga bagay na ganun, ginagawa lang ng mag-asawa. Sa panahon n’yo maaaring iba na ang ikot ng sestima pero Krisha, ang batas ng Dios hindi magbabago kahit ilang henerasyon pa man ang lumipas.” Isang malaking sampal ang sinabi sa ‘kin ni Lola. Masakit dahil iyon ang katotohananan. Pagkakamali. “I’m sorry po.” Muli kong pinalis ang luha. “Nangyari na ang nangyari. Pero hindi ibig sabihin na nagkamali ka na hindi mo na mababawi ang buhay mo. Merong chance Krisha, tumingin ka lang sa ibang anggulo ng iyong buhay. Tingnan mo ang mas maliwanag na anggulo.” Chance is always given in life. It is both limitless and limited. While you still have that chance, grab it. A chance to change my life, a chance to face another door of my life. A chance to look for the brighter side. “Noong dumating ka sa ‘kin, tuwang-tuwa ako. Sobra ‘yung tuwa ko Krisha. Nahirapan ako sa ‘yo pero sa sobrang saya ko ay hindi ko maramdaman ‘yung hirap. Sana ganun ka rin sa magiging anak mo.” Hinawakan ko ang tiyan at banayad na hinimas. Simula sa araw na ‘to ay ipinapangako kong magiging mabuti na ‘kong ina. Nagsimula man sa pagkakamali lahat ngunit itatama ko. Others may mock and laugh at me but I’m going to say that she or he is going to be a blessing. Mabigat na pinto ang papasokin ko pero alam kong kakayanin ko. I‘ll savour every bitter and sweet moments of my life from now on. Magiging matatag ako para sa kanya at para kay Lola. Mahirap pero kakayanin ko. “Lola, gusto ko pong sabihin sa ‘yo na mahal na maha kita.” Ang mga sinabi sa ‘kin ni Lola ay itinatak ko sa ‘king isipan. Malungkot at napaka-aga mang sabihin pero tapos na ang oras ng paglalaro ko. Isang mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa ‘kin at iyon and dapat kong harapin at paghandaan. Kinabukasan ay agad ng nakalabas ng hospital si Lola. Nagpadala ng sapat na pera si Mama kaya naman pinagpahinga ko muna si Lola, I do all the household works kahit na minsan ay masama ang pakiramdam ko. Madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka lalo na tuwing umaga o hapon. Hindi ko alam kailan matatapos ‘to. I started learning new things, lalo na ang pagluluto. Nagbabasa na rin ako ng mga libro at articles sa internet tungkol sa pagiging ina at ano ang mga ginagawa ng ina. Alam ko namang nandyan si Lola pero iba pa rin na may sarili akong alam kahit konti. Hindi ko alam pero tila mahika na nangyayari ang lahat. Pakiramdam ko rin ay mas lalong bumibilis ang oras. Sinubukan ko rin na kontakin si Glen, nagtanong ako sa pinsan niya nang makita ko ito sa campus. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na magpaka-tatay sa anak namin. Wala akong pake kahit hindi niya akuin pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng pagkakataon. Para na rin sa magiging anak ko. Pero wala, eh. Pumasok ako sa school kahit medyo masama ang pakiramdam ko. Isa na naman ‘to sa mga araw na sobrang lala ng pagsusuka ko. Halos isuka ko na nga ang lahat ng lamang loob ko para lang matapos na, sobrang hirap! Kanina pa napansin nina Freya at Claudine ang pamumutla ko ngunit sabi ko sa kanila ay ayos lang ako. Sobrang bilis ng daloy ng oras, ni hindi ko nga namalayan na medyo close ko na ang apat na ‘to. Sina Jette, Leo, Claudine, at Freya. “Tumigil ka nga d’yan Jette! Mahaba pa ang klase pero computer na ang nasa utak mo! Baka mag-cut ka na naman ng class sa math, ibabagsak ka na talaga ni sir,” si Claudine kay Jette. Nag-iwan lang ng activity ang teacher namin kaya naman libre kaming nakakapag-kwentohan. Claudine’s always like this, concern lagi sa ‘min. Ni hindi ko nga alam na may ganitong side siya. Sobrang seryoso at tahimik niya kasi rati. I still remember how I described her as someone na sobrang unreachable. Stoic at laging may class ang galaw. “Si Kevin ba ‘yan?” biglang tanong ni Freya kaya napatingin kaming lahat sa bintana. Tama nga siya. Tiningnan ko si Claudine at wala ng reaction ang mukha niya. Hindi rin siya makatingin sa bintana. “Oh, saan ka?” tanong ni Leo kay Jette nang bigla itong tumayo. Pati ako ay napatingin na rin kay Jette, sa balikat niya ay nakasukbit ang itim na backpack. “Nangangati ang kamay ko, gusto kong mambugbog.” Natawa ako pero agad ding natigilan nang makaramdam ako ng hilo. “Sino naman?” inosenting tanong ni Freya. “Pwede na ‘yang Kevin, sarap basagin ng mukha.” Nagpatuloy sa pag-alis si Jette kaya naman naalarma kaming apat. Sa itsura niya pa naman ay mukhang ayaw niyang papigil. May kasalanan din si Kevin sa kanya kaya mainit ang dugo niya rito. “Leo, pigilan mo si, Jette!” ani Freya. Napatayo na silang lahat maliban sa ‘kin na hinihilot pa rin ang sentio. “Jette ano ba!” Tumakbo na si Claudine papunta kay Jette. Sumunod naman si Leo at Freya. Tumayo ako ngunit mas lalo lang lumala ang hilo ko. Hinawakan ko ang inuupuan pero hindi pa man nakakalapat ang kamay ko ay tuloyan ng nagdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD