CHAPTER 15
In the process I hated myself, I also hated a lot of people. I’ve been hurt, so as the people around me.
At this age, hindi ko inakala na mangyayari sa ‘kin ang ganito. I am barely living, I’m like a lost soul that is walking above the ground.
Ang maranasan lahat ng mga pinagdaanan ko noong mga nakaraang buwan, kaya ko at patuloy na kinakaya. Pero ang makitang nakahiga si Lola sa sa hospital bed ang hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa ‘kin ay talagang ikamamatay ko na. Siya lang ang meron ako ngayon, kung mawawala siya ay wala na talagang matitira sa ‘kin.
I never leave her side, kahit na sinabi ng doctor na magiging okay siya hindi pa rin ako mapapanatag hanggat hindi ko siya nakikitang gising at ngumingiti sa ‘kin. I’ll bargain everything for her.
Nang gumabi na ay nagpaalam sa ‘kin si Leo. I felt sorry for him, ni hindi ko man lang siya napagtuonan ng pansin dahil sa pagiging abala ko.
But really, I appreciate him kasi sinamahan niya ‘ko kahit hindi naman talaga kami close. Sa gitna ng pighati at sakit, pakiramdam ko nagkaroon ako ng kaibigan at karamay.
Hindi ako ang klase ng tao na madasalin pero nang gabing ‘yon. I pray and kneeled to him. Sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang lahat para kay Lola, He’s my only hope and even though I’m in pain, hardly breathing. . . I felt an arm securely hugged and comfort me.
Imbes na magalit sa Kanya, nagkaroon ako ng pag-asa. Despite of my mistakes and failures I know He will never stop loving me. Nang mga oras na ‘yon, nagkaroon ako ng paniniwala na hindi niya ‘ko pababayaan.
“La, I’m sorry sa mga pagkakamali ko sa ‘yo.” Suminghap ako at agad na pinalis ang luha. Malungkot akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kulubot na kamay. Sa kamay na ito ako nabuhay at parehong nasasaktan ako at nalulungkot gayong hawak ko ito ngayon habang tulog siya. Pero alam kong nakikinig siya sa ‘kin.
“Pasensya na dahil pasaway akong apo, hindi ako nakikinig sa inyo at sinasagot-sagot pa kita. Pasensya na p-po, gumising ka lang d’yan hinding-hindi ko na po gagawin iyon. Magpapakaibait na po ako gumising ka lang po d’yan.” Tumingala ako at pinalis ang tumulong luha sa pisngi.
It’s sad that life is short, but do you know what is more sad? When we come to appreciate a person when they are starting to loosen their hold on us. When they are starting to put walls on the relationship. When they suddenly gone. . . and knowing that they are never coming back.
“I’m sorry, La! Mahal po kita, mahal na mahal po kita!” Tuluyan na ‘kong napahagulhol. Gosh! Kailan ba talaga ako titigil sa kaiiyak.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at taimtim na nanalangin. I prayed for my Lola’s healing, I prayed for a miracle to happen. And for the first time since I entered this mess, I thanked Him. I thanked Him for so many blessings He has given me despite my struggles and challenges. I’m breathing and living each day, it’s hard but I’m trying to survive and J should give thanks to him.
At totoo nga, nakikinig ang Dios sa ating mga panalangin.
Abot-abot ang tahip sa dibdib ko nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Lola. Inangat ko ang tingin at agad na napabangon nang makitang unti-unti na niyang dinidilat ang mata.
“L-lola!” Napatayo ako, hindi alam ang gagawin. Nalilito ako sa kung ano ang uunahin, kung dadaluhan ko ba si Lola o tatawag na ng doctor. “G-gising ka na.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa tuwa. I can see that she’s adjusting from the light. Muli kong hinawakan ang kanyang kamay, pinalis ko ang luha. Naghalo-halo na ang emosyon sa sestima ko.
“Krisha,” aniya sa mahinang boses. Tumango ako nang paulit-ulit, pakiramdam ko ay makakahinga na ‘ko nang maluwag.
“Opo Lola, ako po ito! Ano pong nararamdaman n’yo ngayon? May masakit po ba sa inyo? Tatawagin ko po ang doctor.” Sunod-sunod kong sabi. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa ‘king kamay kaya saglit akong napatingin doon.
“A-ayos lang ako, huwag mo ‘kong alalahanin,” aniya. Nagtatampo ko siyang tiningnan. Paano ako hindi mag-aalala kung ganito ang kalagayan niya? “Huwag kang umiyak d’yan at hindi pa ‘ko mamamatay.”
“Lola naman!” galit kong ani. “Huwag n’yo pong sabihin ‘yan! Hindi ka mawawala sa ‘kin.” Muli na naman akong naiyak, nagiging iyakin na talaga ako. Ewan ko ba! Hindi naman ako ganito!
“Hindi talaga, dapat makita ko pa ang apo ko sa tuhod.” Pakiramdam ko ay nag-init ang puso ko sa sinabi niya. Her words meant a lot for me. Hope, acceptance, welcoming, happiness, and chance.
“Opo, huwag na po kayong magsalita. Tatawagin ko lang po ang doctor,” paalam ko bago umalis.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang sinabi ng doctor na magiging okay na si Lola. Kailangan niya lang daw manatili sa hospital ng mga ilang araw para sa obserbasyon.
Masayang-masaya na ‘ko na ayos na si Lola. Ang kalagayan niya ay ang pinakamahalaha sa ‘kin ngayon.
“Krisha, kamusta na ang Lola mo? I heard from Leo that you went to a hospital for her?” Iyon kaagad ang tanong sa ‘kin ni Claudine nang pumasok ako sa school kinabukasan. Late na nga ‘ko ng dalawang period dahil inasikaso ko pa si Lola. Mabuti na lang at dumating si Aling Liting para tumulong sa pagbabantay. Pagdating ko ng campus ay snack na kaya naman madali akong nalapitan ni Claudine.
I sighed, “Okay na siya. Under observation na lang daw sabi ng doctor.” Napatango naman si Freya sa tabi ni Claudine. Ang mga mata niya ang parang nangungusap. She always have this expressive eyes.
“Mabuti naman kung ganun, ikaw? Kamusta ka? Narinig ko rin kay Leo na muntik ka na raw mabundol kahapon. Usap-usapan din sa campus, it’s dangerous Krisha! Lalo na sa. . . kalagayan mo.” She suddenly sounded hestirical. Kumunot naman ang noo ko.
“Tsinitsismis yata ako ni Leo, ah! Nasaan na ‘yon?” pagbibiro ko.
“Kasama niya si Jette,” sagot ni Freya kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh, close na pala sila?” natatawa kong ani. Hindi ko na-predict ang araw na ‘to, ah. Parang hindi ko ma-picture out na magkasama sina Jette at Leo na hindi binubully ni Jette si Leo. “Hindi naman yata sila magsusuntokan right?” I asked. Pareho namang bumuntonghininga ang dalawa.
“But seriously Krisha, be careful!,” mariing paalala sa ‘kin ni Claudine.
Pagkatapos naming mag-snack ay pumunta ako sa teacher’s faculty para ipaalam ang kalagayan ni Lola. Para na rin malaman nila kung bakit ako na-late. Nagpaalam din ako na magiging abala sa mga susunod na araw dahil walang ibang magbabantay kay Lola. Alam kong masyado na ‘ko humingi ng pabor sa mga teachers pero kailangan, eh. Wala akong magagawa. Si Lola na lang ang meron ako at ako na lang ang meron siya.
Sinabi ko kay Aling Liting na uuwi ako sa bahay pagkatapos ng klase para kunin ang iba pang gamit at mga kakailanganin ni Lola. Mabuti na lang talaga at pumayag siyang magbatay ng buong araw, aniya ay wala naman daw siyang ibang gagawin bukod sa makipag-tsismisan.
Nang matapos nga ang klase ay ‘yon ang ginawa ko. Nag-iimpake ako ng gamit sa kwarto ni Lola nang mahagip ko ng tingin ang picture frame na nasa kanyang malapit na mesa. Picture naming dalawa.
Napangiti ako roon kaya nilapitan ko at kinuha. Sa litrato ay bata pa ‘ko, hindi rin gaanong matanda ang itsura ni Lola. Karga-karga niya ‘ko habang nakangiti sa ‘kin. Ako naman ay nilalaro ang buhok niya.
Bumaba ang isang kamay ko sa ‘king tiyan. Ako kaya? Magiging mabuting ina rin kaya ako tulad ni Lola?