CHAPTER 14
Oras ang matinding kalaban natin sa mundong ito. May mga bagay na maaari nating bagohin, itama, at balikan. Pero ang oras, hinding-hindi natin mababago. Time is short they say, isang tao, dalawang taon, sampung taon, iniisip natin na sobrang tagal pero kapag natapos na ang mga panahon na ‘yon, masasabi nating parang isang kurap lang ang lahat.
“P-po?” Agad na nanginig ang tuhod ko sa narinig.
“Si, Liting ito Krisha! Ang Lola mo, habang naglilibot kanina sa market ay bigla na lang nawalan ng malay!” Halata ang kaba at takot sa boses ni Aling Liting, ako naman ay parang nabungol. Walang pumapasok sa utak ko at pakiramdam ay namanhid ang buo kong katawan.
Naramdaman ko na lang ang maiinit na butil ng luha sa ‘king pisngi. Sunod-sunod ang pagtulo nito at talagang ayaw magpaawat.
“N-nasaan kayo ngayon? Pupunta ako, uuwi na ‘ko!” I started to panick. Nagmamadali akong tumawid sa kalsada habang hawak-hawak ang cellphone na nasa tainga. “Nasaan na po ngayon si Lola? Nasa hospital po ba kayo? Ano’ng sabi ng doctor?”
“Oo, nasa hospital na kami. Bilisan mo na! Wala pang sinasabi ang doctor nasa emergency room pa rin ang Lola mo ngayon. Krisha mukhang—”
“Krisha!” Para akong tinanggalan ng kaluluwa nang muntik na ‘kong mahigit ng sasakyan. Pakiramdam ko ay lilipad ang puso ko sa bilis ng t***k nito. “Muntik ka ng masagasaan!” Nanginginig ang kamay na napatingin ako kay Leo, hawak-hawak niya ang dalawa kong braso, siya ang humigit sa ‘kin para hindi ako masagi ng sasakyan.
“L-leo,” tulala kong ani. Marami ang napatingin sa ‘kin dahil sa nangyari pero hindi ko na binigyan ng pansin. Abot-abot pa ang tahip sa dibdib ko dahil sa nangyari. Muntik na ‘yon!
Leo’s eyes soften when he saw my face. I probably looked flustered and pale right now.
Napahawak ako sa ‘king tiyan, ang baby ko! Ang baby ko! Muntik na ‘yon!
Muli akong naiyak sa nangyari, hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyaring masama sa baby ko! Ano ba naman ‘yan Krisha! Hindi lang ang buhay mo rito ang nakasalalay! May dinadala ka na dapat pangalagaan! Hindi ko alam ano’ng gagawin ko kung nabundol ako.
“A-ayos ka lang?” Leo’s gripped on my arms soften. Bakas sa kanyang mata ang awa at mukha ng hindi alam ang gagawin.
“Ayos ka lang, hija? Bakit ka ba kasi bigla na lang tumawid! Muntik na kitang mabundol.” Bumaba ang driver ng sasakyan at agad na dumalo sa ‘kin.
Hindi pa ‘ko nakaka-recover sa nangyari kaya nanatili akong tulala at hindi makagalaw. Ni hindi ko namalayan na nabitiwan ko ang cellphone ko dahil sa nangyari. Doon ko lang naalala si Lola, sinugod siya sa hospital!
“Ayos ka lang ba, hija?” tanong ng driver, this time ay may concern na sa kanyang boses.
“Obviously she’s not okay!” iritadong sinabi ni Leo. Hinawakan ko naman siya sa braso. Kahit nanginginig pa ‘ko sa nangyari ay hinarap ko ang driver. Pinalis ko ang luha at pinilit ang sarili na kumalma. I need to get back on my senses!
“Kung may masakit sa ‘yo dadalhin kita sa hospital,” ani ng driver. Agad naman akong tumango sa kanya.
“O-opo, dalhin n’yo sa hospital.” Tumango-tango ako, naisip ko na mas madali kung sasakay ako sa kanya.
“Ah. . . sige, sige. Sumakay ka sa sasakyan ko.” Nilahad ng driver sa ‘kin ang sasakyan niyang muntik nang bumunggo sa ‘kin. Naka-park na ito ngayon sa gilid.
Hindi pa ‘ko nakalapaglakad ay muli na ‘kong hinila ni Leo.
“Sasama ka sa hindi mo kilala?” kunot-noong aniya sa ‘kin. Mukha pa siyang galit.
“H-hindi, I-ibig kong sabihin. . . kailangan kong pumunta sa hospital Leo.” Naiiyak na naman ako, sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ni Lola at maaring dahilan kung balit siya sinugod sa hospital ay para akong paulit-ulit na sinaksak. Kung pwede ko lang liparin ang hospital ay ginawa ko na ngayon makarating lang doon!
“Huh?” litong aniya. Umiling naman ako, hindi alam ang gagawin.
“‘Yung Lola ko, sinugod siya sa hospital.” Muli kong pinalis ang luha. Kita ko ang gulat sa reaction ni Leo, but I care less now!
“Sasamahan na kita.” Nagulat ako roon pero hindi na ‘ko umapila. Pinulot niya ang tumalsik kong cellphone at inalalayan ako na makasakay sa backseat ng isang puting honda.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko lang ang kalagayan ni Lola. Hindi ako mapakali at panay lang ang tingin ko sa nadadaanan naming mga establishments.
“H-hindi ka naman yata napano ‘di ba?” tanong sa ‘king ng lalaki sa kalagitnaan ng biyahe namin. Hindi ko siya masagot sa kaba at pag-aalala ko kaya sinuri ako ni Leo.
Inayos niya muna ang salamin bago bumaling sa driver. “Mukhang. . . okay naman siya. Pero kailangan niya p-pong pumunta sa hospital. May emergency siyang pupuntahan.” Tumango ang driver at mukhang nakahinga nang maluwag.
Kasalanan ko rin naman kasi bigla akong tumawid ng hindi tumitingin sa daan. I felt bad for the driver pero ito lang ang option ko ngayon.
Nang tumigil ang sasakyan sa hospital ay agad na ‘kong bumaba. Ni hindi ako nakahingi ng tawad at nakapagpasalamat sa driver dahil pagmamadali ko. Mabuti na lang at ginawa ‘yon ni Leo para sa ‘kin bago ako sinundan.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa loob. Hindi ko alam saan magtatanong, I saw the busy hallway of our district hospital. May mga nakaputing nurse na naglalakad at mga taong may mga binibisita.
“Dito tayo.” Leo lead the way for me. Dinala niya ‘ko sa counter kaya doon ako nagtanong.
“N-nurse, nasaan po si, Lola? Remella Velmora po ang pangalan niya.”
“Wait lang, ah. Check ko,” ani ng nurse sa kalmadong beses. Pinaglaruan ko ang kamay, bawat segundo na tumatagal ako sa harap niya ay padagdah nang padagdag ang kabang nararamdaman ko.
“Bago lang po siya sinugod dito, nahimatay po siya kanina sa palengke.” I tried to add some details at baka maalala niya kaagad.
“Nasa emergency area siya.” Tinuro sa ‘min ng nurse ang daan patungo roon. Agad naman akong tumakbo. Nang makita ko si aling Liting ay agad ko siyang sinalubong ng yakap. Tuloyan na ‘kong naiyak nang himasin niya ang likuran ko.
“Si, Lola po? Nasaan na siya? Kamusta ang lagay niya?” Huminga nang malalim ang ginang. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat, sinusubukan na pakalmahin ako.
“Huwag ka nang mag-alala Krisha at okay na siya. Hindi naman daw malala ang nangyari ayon sa doctor, mabuti at agad siyang nadala sa hospital at naagapan.”
“Ano po’ng nangyari? Ano raw pong sakit ni Lola?” Kahit sinabi niyang huwag akong mag-alala ay hindi mawawala sa ‘kin ‘yon.
“Inatake ng high blood pressure and lola mo habang naglilibot sa market. Mabuti na lang at namamalengke rin ako ng mga oras na ‘yon kaya nasamahan ko siya rito.
“Nasaan na po si Lola?” Ngayon ko lang naalala sa sabik kong makasagap ng impormasyon kay Aling Liting.
Tipid siyang ngumiti at hinawi ang kurtina na nasa harap namin. Tumulo ang luha ko at napapikit ang mata ko sa sakit nang makita ko si Lola sa hospital bed. May swero sa kanyang kamay at nakasuot din siya ng oxygen mask.
“Magiging okay rin siya Krisha.” Tinapik ni Aling Liting ang likuran ko. Nag-iwas ako ng tingin para palisin ang luha ngunit ayaw na talaga nitong tumigil.
Lumapit ako sa gilid ng higaan niya at maingat na hinawakan ang kanyang kamay. “La, o-okay ka lang ‘di ba?” Gusto kong lunokin ang bukol sa ‘king lalamunan pero hindi ko magawa. Nahihirapan akong magsalita.
Naawa ako sa kalagayan niya. Sobra akong nasasaktan at sinisisi ko ang sarili, naging pabaya ako! Nasasaktan akong makita na ganito ang kalagayan ngayon ni Lola.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana sinabi ko kanina na mahal na mahal ko siya. Hindi, kung alam ko lang, sana araw-araw kong sinasabi ang pagmamahal at pagpapasalamat ko sa kanya.
Nang iwan ako ng mga magulang ko, siya lang ang tumanggap sa ‘kin. Siya lang ang nag-aruga at natatangi na nagbigay ng pasensya sa ‘kin.
Mahal na mahal ko siya at natatakot akong baka hindi ko na ulit masabi ‘yon. Natatakot akong baka hindi niya marinig kung gaano ko siya kamahal.
Time will never stop even for a while, it will also never turn back even for a while. Ayaw ko ng magsayang ng oras, ayaw ko ng itapon ang sarili ko sa basura at magtapon ng bagay na hindi na maibabalik pa. Time, will never adjust for me. Look what just happened now?