CHAPTER 13
Life is a series of journey in an uneven road. Sometimes it’s straight, most of the time it’s filled with curve roads. Sometimes it’s bumpy, and it’s always strait and narrow.
I woke up that certain day with the sun’s light on my face. I realized how complicated and hard my life is right now, pero naisip ko rin na may mga sulosyon.
Sometimes we stumble, we make mistakes, and lost our way while journeying in that uneven road.
But we have the agency to choose whether we stood up, correct our mistakes, and find our way back.
When we badly want to recover, standing up is sometimes not a choice because it’s the only way. We can’t correct a mistake because it’s already a mistake, but do you know what makes a mistake worth living and worth having? When we take the lessons and leave everything that makes us worthless behind. Finding our way back is not easy, but I know we can. Everyone can do it.
On our journey, sana lang huwag nating kalimutan ang mga taong nagmamahal sa ‘tin. Nandyan sila at laging handang gumabay. Wala akong mga magulang na nasa tabi ko palagi kaya pakiramdam ko ay kulang ako sa pagmamahal. Yes, nandyan si Lola pero ang tingin ko ay pakonswelo na lang ng Dios ‘yon sa ‘kin dahil wala akong pamilya.
Ngayon na sobrang naghihirap ako, na-realize ko na hindi pakonswelo ‘yon. Ang sama ko nga na ‘yon ang tingin ko roon. I’m blessed and lucky to have my Lola.
Hindi man niya sinasabi sa ‘kin na galit pa rin siya at hindi niya matatanggap ang nagawa ko. Alam kong ngayon ay dahan-dahan na niyang tinatanggap ang pagkakamali ko.
She’s embracing me for who I am, she’s loving me despite my mistakes. At ‘yon ang pagmamahal na meron ako at wala ang iba. Hindi kulang, sobra-sobra pa nga.
Minsan, naiisip natin na kulang tayo. Na maraming kulang sa atin, pero naisip ko na hindi naman pala. . . kung marunong lang tayong magbilang ng mga bagay na maswerte tayo dahil meron tayo.
Sa rami ng nakalimotan ko, Siya ang pinakaimportante. May Dios. Siya lang ang may lubos na pagmamahal para sa ‘tin, siya lang ang may kayang tumanggap sa ‘tin ng buo kung ano man tayo. I’m counting the love I am having pero nakalimutan kong bilangin ang pagmamahal niya. When in fact, His love is always enough to shelter us. To give light and hope to us.
“Oh, Krisha gising ka na pala,” bungad sa ‘kin ni Lola paglabas ko ng kwarto. Naghahanda na siya ng pagkain sa hapag kaya napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
Gusto kong sabihin at isigaw na mahal na mahal ko siya at malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya kaya lang ay nahihiya ako. Naiiyak ako dahil nahihiya ako.
“Oh, ano’ng nakain mo at naglalambing ka ngayon? Manghihingi ka ng pera?” Natawa ako at napairap. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya.
“Lola naman, eh!” angil ko bago siya binitiwan. Nakangiti niya ‘kong hinarap. Marahan niyang pinadapo sa ‘king pisngi ang kanyang kulubot na palad.
“Sige na kumain ka na.” Tumango ako at agad na umupo.
“Pupunta ka ngayon sa munisipyo, La?” tanong ko habang nagsasandok ng kanin. Tumango naman siya at naupo na rin sa tapat ko.
“Oo, maglilibot din kami sa public market at meron kaming titingnan.”
“Huwag kang masyadong magpagod, ah?” paalala ko sa kanya. Ngumiwi naman siya at nag-made face, ginaya-gaya niya pa ang sinabi ko kaya napangiwi ako.
“Oo na! Huwag mo ‘kong alalahanin! Ikaw ang huwag na magpagod d’yan! Hindi ba may sayaw kayo ngayon?”
“Opo, class activity lang naman. Sa room lang kami magpe-perform at hindi naman nakakapagod ‘yon.”
“Mabuti kung ganun, lagi kang mag-ingat Krisha. Lagi mong isipin ang kalagayan mo.” Tumango lang ako sa kanya. “Siya nga pala? Kamusta ka sa school?” Kinagat ko ang pang-ibabang labi, dahan-dahan akong bumuntonghininga bago sumagot at ngumiti.
“Okay naman po, La. Wala naman kaming ibang nakakapagod na mga activities.”
“Hmm, hindi ako naniniwala na okay ka sa school n’yo.” Nawala ang ngiti sa ‘king labi. “Huwag mong isipin ang mga taong may kung ano-anong sinasabi sa ‘yo, hindi ka nila kilala. Huwag kang magpa-apekto sa mga sinasabi nila. Isipin mo lang na wala silang karapatan na kutyain ka dahil hindi sila ang nagpapakain sa ‘yo.” Bahagya akong natawa sa huling sinabi ni Lola.
“Opo. . .” Pakiramdam ko ay biglang nagkaroon ng bukol sa ‘king lalamunan. Naisip ko naman na ‘yon pero iba dahil si Lola na mismo ang nagsabi. Naiiyak ako.
“Tandaan mo ang mga sinabi ko Krisha!”
“Oo na po! Pero kapag ikaw po pwede? Ikaw nagpapakain sa ‘kin, eh?” biro ko pero tuloyan nang tumulo ang luha sa ‘king mata. Masaya naman ako pero bakit parang ang sikip ng dibdib ko?
“Aba syempre!” Tumawa ako sa sinabi ni Lola at palihim na pinalis ang luha.
“Okay, tayo ang ikalimang magpe-presenta, relax lang kayo at saulo naman na natin ang steps,” ani Claudine. Tumango lang ako sa kanya, hindi naman ako kinakabahan. Siya lang itong sobrang pressured.
“Kinakabahan ako!” si Freya. Hinawakan naman ni Claudine ang kamay niya at marahang pinisil.
“Jette and Leo, galingan n’yo ‘yung kembot n’yo, ah?” paalala sa kanila ni Claudine. Natawa naman ako at si Jette ay nagkamot ng ulo.
“Oo na nga!” iritadong aniya.
“Good then!” Nang magsimula na ang unang grupo ay tahimik na lang kami na nanood. Magaling naman sila pero alam ko na mas magaling at mas maganda ang performance namin.
“Wala ‘yan, pangit!” bulong ko kay Claudine nang matapos ang group two. Umiling naman siya sa ‘kin na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. What? I’m just saying my opinion. “Sigurado akong atin ang pinakamaganda,” dagdag ko ulit.
“Stop that Krisha! Baka tayo ang mag-failed sa mga pinagsasabi mo r’yan,” aniya sa ‘kin.
“Bakit totoo naman, ah?” Jette agreed kaya nakipag-appear ako sa kanya.
“Siguraduhin mo lang na perfect ang performance mo,” masungit na ani sa kanya ni Claudine.
“Patay ka Jette,” humalakhak si Freya.
“Taob,” sabi ni Leo nang hindi nakapagsalita si Jette.
“Manahimik ka nga d’yan payatot!” Akmang babatokan ni Jette si Leo kaya sinamaan siya ng tingin ni Claudine.
“Well you stop it Jette? Kailan ka ba matatapos sa pambu-bully kay Leo?” ani Claudine.
“Hoy, huwag kayong mag-aaway, ah! May performance pa tayo,” paalala ko sa dalawa. Mukhang nagkakainitan na kasi sila. Ano ‘yan lovers quarel?
“Hindi naman talaga—”
“Group five? May gusto ba kayong e-suggest?” Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang sitahin kami ni Ma’am.
“No, Ma’am,” si Claudine ang sumagot.
“Parang may meeting kasi kayo d’yan! Baka gusto n’yo ng minus sa group n’yo?” Hindi na lang kami sumagot at nanahimik na lang. Napapikit naman nang mariin si Claudine.
“Oo na, tropa na kami ni Leo,” ani Jette nang kami na ang tinawag. Napatingin si Claudine kay Jette na inaakbayan na ngayon si Leo. Blangko naman ang naging reaction ni Claudine.
We started to dance and everything went perfect! Nakakatuwa kasi alam kong naging maganda ang performance namin.
Pinalakpakan kami ng lahat at nasisiguro ko ng maganda ang grades na ibibigay sa ‘min.
Hindi nga ‘ko nagkamali nang perfect score ang ibinigay sa ‘min. Syempre tuwang-tuwa kaming lahat, lalo na si Claudine na mukhang nakahinga yata nang maluwag.
“Ang galing natin, ang galing mo Krisha!” ani Freya sa ‘kin. Ngumiti ako at niyakap siya.
“Ang galing mo rin Freya!”
Nang matapos ang first period namin ay nagsibalikan na kami sa kanya-kanya naming mga upuan.
Nang mag-snack ay mag-isa lang ako sa cafeteria, medyo nasanay na rin ako na walang kasama kumakain kaya ayos lang. Like the usual, pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao. Nagpi-piyesta pa rin sila tungkol sa isyu ko. Nasanay na rin ako sa mga ganun kaya binabalewala ko na lang.
Akala ko mag-isa talaga akong kakain kaya nagulat ako nang biglang umupo si Claudine sa tabi ko dala ang snacks niya.
“Paupo ako rito, ah?” aniya.
“Nagpaalam ka pa, eh nakaupo ka na?” Tinawanan niya lang ako.
“Salamat nga pala sa pag-cheorograph mo, magaling ka ring sumayaw,” aniya sa ‘kin.
“Hindi ako humble na tao, ah? Kaya salamat!” Muli siyang natawa sa ‘kin.
“Joker ka, eh no—” Pareho kaming napabaling sa harap nang padabog na umupo si Jette sa harap naming dalawa.
“Oh, himala at nandito ka?” pambabara ko sa kanya.
“Akala ko sa computer shop ka na naman kakain ng snacks,” dagdag ni Claudine.
“Nagtatalo na naman ba kayo?” Umupo si Freya sa kabilang tabi ko, sumunod sa kanya si Leo na umupo rin sa tabi ni Jette.
Akala ko, sa rooftop at sa activity na iyon na magtatapos ang lahat. Kaya lang mukhang nagkamali ako.
“Ang galing ng performance natin!” Pinag-usapan namin ang performance at ang sumunod na subject. Sabay rin kaming bumalik sa classroom nang matapos ang snack.
Naging maayos ang buong araw ko, kahit alam kong marami akong problema na hinaharap ay nakaramdam pa rin ako ng saya. I see rainbows and butterflies right now, nauntog na yata ako at nakita ko na ang pag-asa.
Pauwi na ‘ko nang may unregistered number ang tumawag sa cellphone ko. Kahit nagtataka ay sinagot ko pa rin, baka importante.
“Hello? Sino po ito?” tanong ko.
“Krisha? Krisha ikaw ba ‘yan?” Pamilyar sa ‘kin ang boses ngunit hindi ko mapagsino.
“Opo, si Krisha po ito.”
“Krisha naku! ‘Yung Lola mo sinugod sa hospital!”