CHAPTER 12.2

2452 Words
CHAPTER 12.2 Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para sa ‘kin. Kumalat sa buong campus, sa barangay namin, at maging sa kabilang barangay ang tungkol sa pagbubuntis ko. It was not easy for me dahil kabila at kanan ang mga pangungutyang naririnig ko. Maraming nagsasabi na ang tanga ko raw at ang bobo. Maagang lumandi at kung ano-ano pang mga pangungutya. Well, totoo naman, eh! Pero wala pa rin silang karapatan na husgahan ako dahil hindi nila alam ang hirap na pinagdadaanan ko. Kung inaakala nila na madali lang ang pinagdadaanan ko then they are very wrong. Pero ano nga ba ang magagawa ko para sa kanila? Ako rin naman ang naghukay sa sarili kong libingan, katangahan ko rin kung bakit ako ginaganito ng mga tao ngayon. But still, wala silang karapatan dahil wala naman silang naiambag para sa ‘kin. It’s just that I can’t do anything with the world’s toxicity and people’s judgements. Kasama ko si Lola nang pinaalam namin sa mga teachers ang tungkol sa pagbubuntis ko. They were all shock with my confirmation, ang iba ay halatang nandiri sa ‘kin, ang iba naman ay naawa at nakisimpatya. Masakit para sa ‘kin ang reaksyon ng mga tao pero wala akong magagawa, ito na, eh! We consulted what the teachers can do for me. Sinabi naman ng adviser ko na pwede raw akong mag-modular learning kapag lumaki na ang tiyan ko. By that time, I don’t need to go to school, kailangan ko lang sagutan ang mga modules na ipapadala sa ‘kin. It was so hard for me, everyday I battle with myself. Still confuse and don’t know what to do. I continue with my life, araw-araw akong pumapasok pero pakiramdam ko nawala ko na ang buhay na meron ako. Pakiramdam ko nga ay ikamamatay ko ang pagsisisi. “Dito ba ‘yon?” tanong ko habang paulit-ulit na pinapasadahan ang hawak na cellphone at ang malaking modernong bahay na nasa tapat ko. I chatted Claudine peri wala pa siyang reply sa ‘kin. She’s not even online! Sabado na ngayon at sa araw na ito mangyayari ang practice namin sa bahay nila. Kompleto ko na ang lahat ng steps ng kanta, naituro ko na rin sa kanila ang iba pero hindi pa ang lahat. Ang gagawin namin ngayon ay ang pagpa-finalize ng presentation namin sa Lunes. Hindi naman talaga ako ‘yung tipo na subsob sa pag-aaral, active at very participative sa school. Casual lang akong estudyante at medyo naniniwala sa kasabihan na, “Grades doesn’t define you as a person.” But somehow, na-enjoy ko ang mag-practice kasama sila. Kapag sumasayaw ako, nakakalimutan ko na may kinakaharap akong problema. Ewan ko pero pakiramdam ko kapag sila ang makasama ko hindi ako mahuhusgahan. Nandoon ‘yung pakiramdam na kapag kasama ko ang mga kagrupo sa isang lugar, ‘yon na ang safe space ko. Hindi naman kami close masyadong lima pero ‘yon ang nararamdaman ko. Siguro dahil nandoon ‘yung thought na pareho naming alam ang mga pinagdadaanan ng isa’t isa kaya panatag ako na kasama sila. “Krisha!” Napabaling ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Freya. Pawisan siya at medyo humahangos. “Mabuti na lang at nakita kita rito! Naliligaw yata ako,” aniya sabay pahid ng pawis sa noo. “Hindi mo ba nabasa ang message ni Claudine? Gumawa siya ng GC at nilagay niya roon ang address nila,” I told her. Kinagat niya ang labi at pinaglaruan ang daliri. “Wala akong cellphone kaya hindi ko nabasa,” aniya. Napatango naman ako. Nakita ko si Leo na paparating kaya agad ko siyang kinawayan. Sakto naman at nag-chat si Claudine sa group chat na ginawa niya. Claudine Sy: Nasaan na kayo? “Nag-chat sa ‘kin si, Claudine. Nasaan na raw tayo,” sabi ko kay Freya. Tumango naman siya. Agad naman akong nagtipa ng reply para kay Claudine. Krisha Fyel Reyes: Nandito na kami sa tapat ng bahay n’yo, kasama ko na sina Freya at Leo. Labas ka nga ng bahay n’yo para malaman namin kung inyo ba talaga ‘to. Krisha Fyel Reyes: Si Jette nga pala? Baka hindi pumunta ‘yon, ah! @Jette Castro, nasaan ka na? “Hi. . .” Napatingin ako kay Freya nang marinig ang bati niya kay Leo. Tumango ulit ako kay Leo nang magtama ang tingin naming dalawa. “Hmm, hello. . .” Binalingan ko na lang ulit ang cellphone nang mag-pop up ang message ni Claudine. Claudine Sy: Okay, lalabas ako. And about Jette. . . he’s here already. Napaawang ang labi ko sa chat ni Claudine. Himala at nauna pa si Jette sa ‘min. Excited lang, eh? Hindi nagtagal ay lumabas na nga si Claudine sa kulay brown at malaking metal nilang gate. Doon namin nakompirma na bahay nga nila. Sobrang laki! Sa labas pa lang ng bahay siguradong mayaman na ang mga nakatira. “Pasok kayo,” ani Claudine sa ‘min. Nauna naman ako sa paglalakad papasok sa gate ng bahay nila. Nakakamangha ang kanilang front garden, simple lang pero puno ng mga mamahaling bush at ornamental plants. May mga mamahaling bato rin at bermuda grass sa gilid. Claudine is already wearing a white t-shirt, black leggings, and white rubber shoes. Naka-braid pa ang buhok niya. Handang-handa na talagang mag-practice. “Dumeritso na tayo sa likod, pinahanda ko na ang lahat doon,” aniya habang ginigiya kami sa likod ng kanilang bahay. Sinabayan ko si Claudine at hinayaan sina Leo at Freya na nag-uusap sa likod namin. “Ang laki ng bahay n’yo, no? Sino’ng mga nandito?” chika ko sa kanya. Mukha kasing tahimik ang malaki nilang bahay. “Wala ang parents ko ngayon, si, Yaya at Aling Mira lang ang nandito ngayon. Mga kasambahay namin.” “Bongga! May yaya ka pala.” Agad kong nakita si Jette pag-ikot namin. Nakaupo lang siya sa isang stool habang pinaglalaruan ang dala niyang towel. Natawa ako dahil naisip ko na mukha siyang jeep driver ngayon. Tahimik akong natakam nang makitang may nakahandang merienda sa malapit na lamesa. Iba talaga kapag mayaman! Sementado at malawak ang likod ng bahay nila Claudine. May dirty kitchen sa right side at may maliit na mesa kung saan nakahanda ang mga merienda at juice. Pati ang bluetooth speaker ay hinanda na rin ni Claudine. Sampung minuto lang kaming nagpahinga bago nagsimulang mag-practice. Una ay sinayaw muna namin ang mga steps na nabuo namin mula Monday hanggang Friday. Natatandaan pa naman nila kaya hindi na kailangan ulitin. Tinuro na namin ang mga sunod na steps at madali lang naman silang natuto. Naaasar lang ako kay Jette dahil nagpapasaway siya minsan. May isang step doon na kailangan naming mag-twerk at tawang-tawa ako sa katawan ng dalawang boys. Lalo na si Leo na trying hard magawa ang step. Si Jette naman ay panay ang reklamo dahil mukha raw siyang bakla. “Normal lang naman ang ganyang step sa sayaw! Ikaw lang ang nagsasabi niyan!” Pinagalitan ko siya kaya pinandilatan niya ‘ko ng mata. We proceed to our next steps at so far naging maayos naman ang practit namin. Mabuti na lang at nag-cooperate silang lahat ngayon. “I guess we need to have a break,” ani Claudine nang makita niyang pinagpapawisan na ‘ko. “Ayos ka lang?” she asked me. Agad naman akong tumango. “Oo, ayos pa ‘ko. Pagod lang.” “Okay lang ba sa ‘yo ang sumayaw at mag pagod? Give your situation. . .” Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Agad naman ako natawa at napailing. “Okay lang ako, ‘no! Isa pa hindi pa naman malaki ang tiyan ko. Need ko rin ng exercise kaya ayos lang ang sumayaw. Pero tama ka, mag-break muna tayo at pagod na rin ako.” Tumango si Claudine at sinabi niyang mag-break na muna kami. Inalok niya kami sa mesa at syempre hindi ako tumanggi! Nagluto pala ng cookies at brownies ang kasambahay nila para sa snack namin. Ang sarap pa sobra! “Nga pala guys, ‘yung ambagan natin na twenty pesos para sa isang project ako ang magko-collect. Gusto n’yo ng magbayad ngayon?” tanong niya sa ‘min habang kumakain kami. Oo nga pala, mabuti at pinaalala niya rin. “Oo, magbabayad ako ngayon,” sabi ko sabay bunot ng twenty sa bulsa. Inabot ko ito kay Claudine pero ang sabi niya ay mamaya na raw pagkatapos naming kumain. “Magbabayad din ako ngayon,” sabi ni Leo. Ang tahimik talaga ng lalaking ‘to kaya lagi akong nagugulat kapag nagsasalita siya. Pero lagi naman silang nag-uusap ni Freya. “A-ah, sa Monday na ‘ko. Wala kasi akong dalang pera ngayon.” Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi ni Freya. Kaya ba medyo pawisan siya kanina dahil naglakad siya? Taga-saan nga siya? “Ako nang magbabayad para kay Freya.” Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Leo. Nagkatinginan kaming tatlo nina Claudine at Jette, tila iisa ang nasa isip namin. “Ah, hindi naman kailangan pero s-salamat,” nahihiyang ani Freya. Medyo napaayos ako ng upo, may naaamoy akong kakaiba pero. . . hindi ko alam. “Sali mo na rin sa ‘kin, Leo!” Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba si Jette o talagang makapal ang mukha niya. Pangisi-ngisi pa siya at halatang binubully na naman si Leo. “Shut up Jette,” singhal sa kanya ni Claudine kaya natahimik siya. Ako naman ang natawa sa kanila. Saglit pa kaming nag-asaran, nagpahinga at bumalik sa pagpa-practice. Saulo na namin ang lahat ng steps at paulit-ulit na lang namin na pina-practice para masaulo na talaga. “Jette, ‘yung kembot mo, ah!” sigaw ko habang sumasayaw. Malapit na kami sa part na kekembot. “Okay, kembot! Kembot! Kembot!” sigaw ko habang ginagawa ang step. Todo naman ang tawa naming mga girls sa boys. Para silang uod na binudburan ng asin, ang titigas ng katawan! Maaga kaming natapos sa pagpa-practice kaya naman tumambay muna kami sa bahay nila Claudine. Aniya ay hindi pa naman daw darating ang mga parents niya kaya nagpasya kaming mag-movie marathon lima. Napili naming manood ng horror movie para may thrill. Kung maganda na ang bahay nila sa labas, mas lalo naman sa loob! Puno ito ng mga mamahaling bagay at napaka-modern ng design. Mixture ng brown at light yellow ang mga pader at marami akong nakikita na mga wooden furnitures. Maging ang sofa nila ay ganun. “Dito ka Krisha, komportable rito,” tawag sa ‘kin ni Claudine. Napapansin ko na extra caring siya sa ‘kin. Sana lang ay hindi niya iniisip na manganganak na ‘ko. “Sige, sige.” Tumango ako at agad na tumabi sa kanya. Namangha ako nang makita sa paligid ng sala nila ang napakaraming medals, ribbons, at certificate. Nagsisimula na ang movie pero abala ang tingin ko sa mga medalyang nagkalat. “Only child ka lang ‘di ba?” I asked Claudine. Tumango naman siya sa ‘kin. “So, sa ‘yo ‘tong medals lahat?” Inilahad ko ang kamay sa mga medalya. “Oo, sa ‘kin ‘yan. Simula Elementary pa ang mga ‘yan hanggang sa mag-High School.” Muntik na ‘kong mapapalakpak. Expected naman ‘yon dahil siya lagi ang top one sa klase, kaya lang ay nakakalula sa rami ang mga medalya niya. “Ang talino mo talaga! Kaya lagi kang top one, eh!” sabi ko. Malungkot naman siyang ngumiti at umiling, “Hindi na ngayon.” Natigilan ako, nakagat ko ang labi. How insensitive of me! “Ah, I’m sure naman proud sa ‘yo ang parents mo,” bawi ko. Malalim na buntonghininga ang kanyang isinagot. “They always pressure me, kahit isang beses. . . hindi ko yata nakita na naging proud sila sa ‘kin.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso ba ‘yon? Eh, noong Elementary nga binigyan ako ng Most Punctual na award halos maghanda na ng pang-birth day si Lola! “Impossible naman yata ‘yon?” sumingit si Jette. Hindi ko alam na nakikinig siya sa usapan namin. Nagkibit lang ng balikat si Claudine. Hindi na siya sumagot at bumaling na lang sa pinapanood. Napasigaw pa kaming lahat nang biglang lumabas ‘yung multo sa pinapanood namin. “Ikaw? Ano’ng plano mo ngayon?” Nagkibit ako ng balikat sa tanong ni Claudine. Somehow, I felt light because of her question. “Ang totoo ay hindi ko alam, wala pa ‘kong ibang plano bukod sa magpatuloy sa buhay.” “Hindi mo ba. . . ipapahanap ang ama ng bata? Kailangan niyang magpaka-tatay sa bata.” Natawa ako sa sinabi ni Claudine. “Ni hindi ko nga alam saang lupalop na napadpad ‘yon ngayon! Saka mukhang hindi ko naman siya kailangan.” “Hindi ka ba nasaktan na bigla na lang siyang umalis? I mean, you love that person right? Ang ama ng bata.” Kuryuso ang mga mata ni Claudine at alam ko kung bakit. “Kami ni Glen, magkarelasyon kami noon pero hindi naman aabot sa point na sobrang loyal kami sa isa’t isa. Parang naglalaro lang kami ganun!” I chuckled bitterly. Kumunot naman ang noo ni Claudine. “So, hindi ka nasaktan kasi hindi mo naman siya minahal? Pero bakit mo binigay ang sarili mo?” Natigilan ako sa tanong niya. Natuptop niya naman ang labi nang ma-realize ang sariling tanong. “I’m sorry for the question, you don’t have to answer,” aniya sabay iwas ng tingin. Bumuntonghininga ako nang malalim. “Minahal ko naman si Glen, pero hindi klase ng pagmamahal na sobrang lunod-lunod. Naranasan ko na kasi ‘yon kaya ayaw ko sa ganun, gusto ko lang ay ‘yong laro-laro pero loyal. Hindi naman kasi ako naghahanap ng forever kaya nakikipag-boyfriend ako. Ang totoo. . .” Pinutol ko ang sasabihin dahil nahihirapan ako. “Ang totoo ay nagrerebelde ako sa mga magulang ko.” Naghahanap ng pagmamahal at satisfaction sa ibang tao kasi pakiramdam ko may gap sa pagkatao ko, may kulang sa ‘kin. “Sobrang hirap din pala ng buhay mo, I’m sure hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. Lalo na sa campus, kahit saan yata ako magpunta ay naririnig ko ang pangalan mo sa school. Alam mo? Nakaka-proud ka.” Nakaka-proud ka. Pakiramdam ko ay alarm na nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabing ‘yon ni Claudine. I’ve been hearing bad comments about me for the week. Nakakapanibago na may nagsabing proud siya sa ‘kin. Nakakainit ng puso, dahil maski sa mga magulang ko, hindi ko ‘yon narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD