Zelan’s POV “Tara na doon, bumangon ka na diyan at kakain na tayo ng lunch,” aya sa akin ni Cacia. Kagigising ko lang. Sobra akong napagod mula nang dumating ako dito Elyu. Hindi rin pala biro ang mag-drive ng ilang oras papunta dito. Lalabas na sana siya ng kuwarto nung makita niyang magising na ako, kaya lang tinawag ko siya kaya nahinto siya sa pag-alis dito. “Bakit nga pala hiniwalay mo pa ako ng beach house sa inyo? Bakit hindi mo na lang ako sinama sa beach house ninyo?” tanong ko sa kaniya habang naghihikab pa. Inaantok pa kasi talaga ako. Ramdam ko pa rin ‘yung pagod ko sa buong biyahe kanina. Napasabak talaga ang mga braso at hita ko sa pagmamaneho ng matagal. Daig ko pa ang nag-gym ng tatlong araw. Kumunot ang noo niya. Parang nagtataka ata sa tinanong ko. “Bakit, gusto mo ban

