Cacia’s POV Sa wakas, narating na namin ang beach resort dito sa Elyu. Sobrang saya ni mama at pati na rin ng kambal dahil makakapagbakasyon kami ng ilang araw dito. Isa kasi itong beach sa La union ang gustong-gustong mapuntahan nila mama at Kuya Casper. Si Kuya Casper, ayon, agad naligo sa dagat. Kahit medyo malakas ang alon ng dagat, hindi siya natatakot. Palibhasa’t sanay siyang maglangot. Halatang na-miss din niyang mag-beach. Mabuti na lang at hindi sumama si papa sa amin dito. Siyempre, bakit nga naman siya sasama e, mas nag-e-enjoy siyang kasama ang kabit niya. Si papa, parang wala ng kasaya-saya sa pamilya namin. Parang wala na siyang pake kay mama, kay kuya at pati na rin sa kambal. Sa akin, oo, wala na rin talaga siyang pake. Sinong ama kasi ang kayang ibenta ang sarili niyang

