SSP 41

1251 Words

Cacia’s POV “Nagugutom ka ba?” tanong sa akin ni Zelan nang pasukin niya ako rito sa kuwarto niya. Dito na ako ngayon tatambay sa umaga, tanghali, hapon at hanggang gabi. Wala na, wala na akong kuwarto sa mansiyon na ito. Talagang magsasama na kami ni Zelan sa iisang kuwarto. “Busog ako,” walang gana kong sagot sa kaniya. “Sorry kung napagsalitaan ko nang hindi maganda si Mama Zobel kanina. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong naging ganoon. Pasensya na,” sabi ko pa. “Ayos lang ‘yon. May dahilan ka naman kaya ka nagalit. Sa susunod, ingat-ingat ka na lang din sa pagsasalita. Hindi kasi sanay si mama na sinasagot-sagot siya. Walang gumagawa sa kaniya nun kaya nabigla din siya sa’yo,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Alam ko kasing mali ang ginawa ko. Binaba ni Zelan ang pagkaing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD