Cacia’s POV “Gising na! Gabi na!” Tapik-tapik ni Mama Zobel ang braso ko. Sa lakas nang pagkakatapik niya, nagising talaga ako. Pagdilat ng mga mata ko, magkasalubong na kilay ang nakita ko sa mukha niya. “Bakit dito ka natutulog sa kuwarto mo? Hindi ba’t pinagbawalan na kitang matulog dito. Doon ka dapat sa bedroom ninyo ni Zelan!” galit niyang sabi. For the first time, nakita kong parang galit ang mukha niya. “S-sorry po, nakatulog po kasi ako bigla, hihiga lang talaga ako,” pagsisinungaling ko na lang. Akala ko pa naman ay naparami na siya ng inom ng wine grapes na bigay ko. Ano’t nauna pa ata siyang nagising sa akin? “Sa tingin ko, dahil sa pagiging mabait ko sa ‘yo, hindi mo na siniseryoso ang mga gusto kong mangyari. Dapat na sigurong maging masungit na ako sa ‘yo,” sabi niya k

