Cacia’s POV Sinalubong ako ni Ate Pila pagdating ko sa pintuan ng mansiyon. Kinuha niya sa akin ang mga dala-dala kong grapes at wine. “Kumusta po ang bakasyon mo, Miss Cacia?” tanong niya sa akin habang sinasabayan ako sa pagpasok sa loob. “Ayon, masaya naman. Alam mo naman, kapag kasama mo ang pamilya mo sa out of town ay talaga namang sobrang saya mo,” sagot ko sa kaniya. Kaya lang, pagkatapos ng masayang bonding, heto, balik stress na naman ako sa kamay ng Zelan na ‘to. Totoo ngang kapag masaya ka, lungkot naman ang kapalit. Kararating ko lang ulit sa bahay na ito, binalot agad ako ng lungkot. “Tama ka, ganiyan din ako kapag day off ko, family ang sinasama kong lumabas para mapasaya ko sila, iba kapag kasama mo ang buong family mo, na-miss ko tuloy bigla ang pamilya ko, isang buwan

