CHAPTER 12 Paglabas ni Addie sa pinto ng kwarto ni Gabriel, nakatayo sa harap niya si Simon. Nakita siya nito na nagpapahid ng luha. Hindi na niya pinansin pa ang nakababatang senyorito. Sariwa pa rin ang nilikha nitong trauma kanina- muntik na siyang angkinin. liwasan na sana niya si Simon ngunit bigla naman nitong hinablot ang kamay niya at hinila siya. “Senyorito, bitawan mo ‘ko. Saan mo ‘ko dadalhin,” paki-usap ni Addie habang pababa sila ng hagdan. Alam ni Simon na magiging awkward na ang sitwasyon nila at iiwasan na siya ni Addie kung dadaanin niya ito sa karahasan at santong paspasan. Kaya sa tagal ng panahon, kahit pa minsan tabi sila ni Addie natutulog pero walang physical contact na namagitan sa kanila dahil ito ang ayaw niyang mangyari - ang iwasan siya ni Addie. Ngayon,

