CHAPTER 11 “Isang sabi mo lang, Addie. Hinihintay ko lang ang sagot mo–” “A-anong sagot. . .” Nawawala si Addie sa sarili dahil sa titig ni Gabriel. Nakakatunaw. Hindi niya mapaniwalaan na nasa harap niya ulit ang lalaking pinapangarap. Parang panaginip pa rin ang nangyari sa kanila kagabi. Ngayon lubos na nanuot sa kanyang isipan na totoong kaharap si Gabriel. “Isang sabi mo lang, Addie. Handa kong iwan ang lahat. Kahit pa ang marangyang buhay sa hacienda. Lahat ng kayamanan ni Papa–” “Huwag, Gabi,” agad na sabi ni Addie at napayuko. “Karapatan mo ‘yan bilang anak. Huwag mong i-give up dahil lang sa’kin–” Niyakap ni Gabriel si Addie. Mahigpit, nangangalit. “Adriana, ikaw lang ang mahalaga sa akin. Kaya ko kitain ang pera galing sa dugo’t pawis ko. Pero ikaw, wala kang kapalit, Addi

