CHAPTER 2
Umiling si Gabriel at dumiretso sa loob ng hacienda na parang walang nakitang kahit sino. Sinundan lamang siya ng tingin ng mga tao, hindi alam kung dapat pa ba silang sumunod o manatiling nakatayo. Nakaka-intimidate ang kilos at itsura ng bagong dating na Senyorito.
Si Jenny, ang batang ampon ni Simon, ay biglang nagsalita. “Tito Gabriel, bakit mo po tinapon ’yung flowers? Hindi mo ba gusto ’yun?”
Sandaling tumigil sa paglalakad si Gabriel at tiningnan si Jenny mula ulo hanggang paa. Nagitla siya sa presensya ng munting anghel na nangahas na kausapin siya. Tumiklop ang kanyang isang tuhod upang mag pantay ang kanilang taas. Tinitigan ni Gabriel ang mukha ng bata. Kusang hinihila ng mumunting bilugang mga mata nito ang kanyang paningin. Napakaganda, so enchanting, so captivating. Ganito siya titigan ng kanyang first love. Winasiwas niya ang kanyang ulo at tumayo. Hindi niya dapat ito naiisip. Isa lang ang dahilan kung bakit siya bumalik. Para bawiin ang dapat ay sa kanya. Everything that is rightfully and legally his.
Si Senyorito Simon ang siyang lumapit kay Addie at pinulot ang mga bulaklak na nasa sahig. “Pasensya na, Addie. You can go now and take a rest,” aniya habang marahang inaayos ang sumambulat na bungkos ng bulaklak na basta na lang tinapon ng kuya niya. “You must be so tired of long hours of duty, Addie.”
Isang pilit na ngiti lang ang tugon ni Addie at inabot ang bulaklak. Nangingilid ang kanyang luha. “May salo-salo pa sa bulwagan mamaya. May parating pang mga bisita.”
‘Alright, basta you’re free to go ‘pag pagod ka na.” Pinisil pisil ni Simon ang kamay ni Addie para siya ay patahanin. Sanay na ang lahat na makitang gano’n tratuhin ni Simon si Addie. Magkababata sila kaya espesyal ang trato ng binata sa dalaga kumpara sa lahat ng mga tauhan ng hacienda.
Tahimik pa rin si Tina. Ang kilig na naramdaman niya kanina, biglang napalitan ng pagkainis at pagkadismaya sa pinakitang asal ni Gabriel. Nagsi-alisan na ang mga trabahador at nagsi kilos na para gawin ang kanya kanyang tokang gawin.
“Kung ganyan siya makitungo sa mga tao, hindi ko na siya type,” bulong ni Tina kay Addie.
Ngunit sa likod ng kanyang inis, may kakaibang kutob siyang may mabigat na dahilan sa likod ng malamig at mapanuyang tingin ni Gabriel at gusto niyang malaman kung ano iyon. Napansin niya rin si Addie na may kakaibang katahimikan kanina pa pagkatapos na malaman nito na si Senyorito Gabriel ang parating na bisita. Hindi makakaligtas sa mapanuring mga mata ni Tina ang mga kaganapan kanina.
Alam naman ni Tina na sadyang tahimik si Addie noon pa man. Hindi ito madaldal gaya niya at ng mga katulad nilang silbidora. Mabait si Addie, malalim, tila laging may baong malalim na sikreto sa puso. Laging tikom ang bibig at hindi gaanong nagsasalita. Masipag, walang reklamong gumagawa ng trabaho kaya gano’n na lang siya ka-gusto ng mga matatagal ng katiwala sa hacienda. Dalawang taon pa lang si Tinay sa hacienda pero tinuturing niya nang kapatid si Addie dahil mabait ito.
Pagdating nila sa bulwagan kung saan naroon ang engrandeng handaan para sa pagbabalik ng alibughang anak ng Don at sa mga piling piling bisitang alta de ciudad, naka hain na ang mala five-star hotel na mga pagkain na nakalatag sa napakalawak na mesa. Unti-unti na ring dumadating ang mga bisita kaya aligaga na ang mga silbidora sa pag alalay sa mga bisita at pag aayos ng mga kailangan sa sosyal na party.
Ngunit ang pangunahing bisita na si Gabriel na siyang dahilan ng engrandeng piging na ito ay hindi naman matagpuan sa bawat sulok ng bulwagan, Dumiretso pala ito sa kwarto nito sa pinaka-taas ng hacienda, sa ika-apat na palapag. Ni hindi man lang dumaan sa kwarto ng kanyang ama na nasa unang palapag lang. Matindi talaga ang naging hidwaan ng mag-ama na kahit limang taon na ang lumilipas ay hindi pa rin kayang pag hilumin ng oras.
Akala ng lahat ay magpapalit lang ito ng damit dahil naka simpleng brown shirt at pantalon lang ang suot nito pero lumalim na ang gabi, natapos na ang party, at nagsi-uwian na ang lahat ng bisita ay wala pa ring sumipot na Gabriel. Nanatili lang ito sa kanyang kwarto at malamang ay natutulog na. He couldn’t care less about the party, the guests, or even the tireless effort poured in by the workers to make the whole event happen.
Mabuti na lang at naidaos ang party ng matiwasay at walang aberya. Makakatulog na ng mahimbing ang buong Hacienda Roman.
“Ah sakit ng paa ko. Nangawit ang legs ko sa kakatayo. Sobrang bongga ng party ni hindi man lang na appreciate ng antipatikong senyorito. Kahit gaano pa siya ka-gwapo, mas bet ko pa rin si Senyorito Simon. Di hamak na ang layo ng pagitan ng ugali nila. Unang araw pa lang sa hacienda ganun na ang asta. Good luck na lang sa atin,” mahabang litanya ni Tina habang nakahiga sa kama ni Addie. Napakalaki ng maid quarter at may mga partition para may privacy ang mga kasambahay pero madalas na nasa kwarto ni Addie si tina para makipag kwentuhan bago matulog.
“Kanina ka pa tahimik ah. May problema ba?” tanong ni Tina nang mapansing walang ni isang salita ang narinig niya mula kay Addie.
“Wala naman. Pagod lang,” sagot nito.
Napa-irap si Tinay. Hindi siya kuntento sa sagot ng kaibigan. Alam niyang si Senyorito Gabriel ang bumabagabag dito.
“Magtapat ka nga Addie, anong meron sa inyo nung bagong saltang senyorito?”
“Wala.”
Napabangon si Tina at napipikon siya sa sagot ng kaibigan. “Anong wala—”
Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang tumunog ang telepono. Ang linyang ito ay nagmumula sa mga kwarto ng mga Roman. Kapag may kailangan silang ipag-utos ay tatawagan nila sa maid’s quarter.
“Sagutin mo na,” sabi ni Addie.
“Anong ako? Eh kwarto mo ‘to. Saka baka ‘yung bagong senyoritong antipatiko ‘yan noh. Ayoko nga.”
“Malay mo hindi. Malay mo si Simon 'yan.”
Agad na sinagot ni Tina ang telepono. Gusto niyang marinig ang boses ni Simon. Hindi malayong si Simon ang nasa linya dahil madalas nitong tinatawagan si Addie tuwing gabi para patulugin si Jenny kapag hindi ito makatulog.
Ngunit sa dismaya ni Tina ay hindi si Simon ang nasa linya kundi si Gabriel.
Adriana, get me a bottle of whisky. Now!
Iyon lang ang sabi ni Gabriel na hindi man lang pinagsalita si Tina. Nakakatakot ang tinig nito na masyadong authoritative.
“Oh Addie, pinapapunta ka ni Senyorito Antipatiko sa kwarto niya, magdala ka raw ng isang boteng whisky.”
“Anong ako? Eh ikaw ang kausap.”
“Addie, Adriana raw. Ikaw ang Adriana sa atin, Cristina po ang pangalan ko.”
Wala ng magawa si Addie kundi ang sumunod sa utos ng senyonto. Kumuha siya ng bote ng whisky, isang baso, at yelo.
Huminto siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Gabriel. Huminga muna siya ng malalim para maibsan ang kaba sa kanyang dibdib,
Limang taon … limang taon na ang lumipas nang huli silang magkita ni Gabriel. Aaminin niyang nananabik din ang puso niyang maka-usap ulit ang dating kasintahan.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .