CHAPTER 3

1552 Words
CHAPTER 3 Adriana, get me a bottle of whisky. Now! Kumatok si Addie sa pinto ng kwarto ni Gabriel at isang katok pa lang ay pinagbuksan na siya agad nito. “Magandang gabi po, Senyorito,” bati ni Addie. Pilit na itinatago ang kahit na anong emosyon na nararamdaman kahit na parang hinahalukay na ang sikmura niya sa sobrang kaba. Ang mga mata ni Gabriel ay ibang-iba na. Hindi na gaya dati na kumikinang at ngumingiti rin sa tuwing ito ay masaya. Ngayon ay tila lumamlam, malalim, puno ng galit. Nakakalungkot titigan dahil alam niyang sa mga matang iyon ay naka kubli ang sugat ng kahapon. “Ahm, ito na po ang inuutos niyong whisky. Magandang gabi po,” sabi ni Addie at nilapag ang tray na dala niya doon sa pinakamalapit na side table. Pag lapag ni Addie sa tray ay nakita niya si Gabriel na naka sandal na sa pinto, naka kibit-balikat na parang ayaw siyang palabasin ng kwarto. “Bakit isang baso lang ang dala mo? Gusto mo bang share na lang tayo?” Napa-ngisi si Addie. “Isang bote ng whisky nga lang po ang utos niyo. Buti nagdala pa 'ko ng baso na may yelo.” “Nangangatwiran ka na.” Napangisi at napa-irap na lang si Addie sa kanyang narinig. Hindi niya na maitago ang pagka-irita. Gusto niya nang lumabas at hindi na matagalan ang presensya ni Gabriel. Totoo ngang nag-bago na ito. “Bakit, may maipagmamalaki na ba?” dagdag pa nito kaya lalong nag-iinit ang ulo ni Addie. Ayaw makipagtalo ni Addie, kailangan niya ng mahabang pasensya para kay Gabriel. Ngunit lalo niyang nararamdaman na ayaw siya nitong palabasin. Ni-lock ni Gabriel ang pinto at napa-atras siya ng hakbang nang unti-unti siyang nilapitan nito. Akala ni Addie ay yayakapin siya nito kaya nanigas ang buo niyang katawan sa kinatatayuan. Ngunit nilagpasan siya nito at umupo sa upuan na nasa likuran niya. “Please, have a seat. Magkwentuhan muna tayo,” kalmadong utos ni Gabriel, komportableng naka-upo. “Can you pour me some whiskey, please.” Kinuha ni Addie ang tray at nilapag sa mesa na nasa harapan ni Gabriel. Sinalinan niya ng alak ang baso na may yelo. Inabot niya ito sa senyorito. Pero tinanggihan ni Gabriel. “Sit,” utos nito na parang isang tuta si Addie na inuutusang umupo ng amo. Labag man sa damdamin ay sumunod si Addie para matapos na. At paano naman matatanggihan ang ganito kagwapong lalaki na naka simpleng puting v-neck shirt at grey boxer shorts. Sa limang taong hindi sila nag-kita, lalo itong kumisig- lumapad ang dibdib, lumobo ang braso na saktong sakto lang sa paningiin ni Addie, at pati ang umbok sa pagitan ng mga hita nito ay kapansin-pansin. Kung noon pa nga lang na bata pa lang sila ay ang lakas na ng dating, tipong boy-next-door, ngayon pa kaya na pang matinee idol. Ang tanging kapintasan lang sa mukha nito ay ang peklat sa gilid ng noo bandang kilay ngunit hindi naman halata dahil natatabunan ng malagong buhok. Ang patubong balbas ay nakakadagdag sa pagiging manly nito. He’s ruggedly handsome. Siya ang tunay na larawan ng isang makisig at gwapong haciendero na karaniwang mababasa sa mga nobela. “Kumusta ka na Addie?” bati ni Gabriel. “Ok naman po ako. Sobrang pagod lang dahil sa maghapong paghahanda sa party na hindi naman dinaluhan ng special guest.” Napangiti si Gabriel sa haba ng sinabi ni Addie at nangahas itong maglabas ng saloobin. Siguradong ito ang nararamdaman ng mga nagta-trabaho sa hacienda na hindi man lang niya na-appreciate. Why would he even care, anyway? “Pagod ka na? Gusto mo nang matulog? Higa ka na sa kama ko.” Hindi na pinatulan ni Addie ang trip ni Gabriel. Sa aktong ilalapag niya na ang baso ay pinigilan siya ng senyorito. “Wait! Just sit. Mag-inuman muna tayo.” “Hindi ako nakikipag-inuman--” “Kay Simon lang. . . Pag si Simon pwede?” Tumaas na ang boses ni Gabriel, dama na ang tensyon sa pagitan nila ni Addie. At para manahimik na si Gabriel ay ininom na ng dalaga ang whisky. Bakas sa mukha ni Addie ang nanununtok na hapdi ng alkohol sa lalamunan niya. Pagkatapos, si Gabriel naman ang uminom. Direkta itong uminom sa bote ng whisky. Tatagayan niya pa sana si Addie pero nilapag nito ang baso sa mesa at sumenyas na ayaw niya na. Ngunit sinalinan pa rin ni Gabriel ang baso, puno. “Tama na po, Senyorito. Alam ko naman kung anong balak niyo. Basta may alak may balak–” Napahalakhak si Gabriel. “Balak na? sx? Yun ba ang iniisip mo? Yun ba ang gusto mo?” Nag-init ang pisngi ni Addie.Tinamaan agad siya ng isang basong whiskey kaya wala nang preno ang kanyang bibig. “Hindi noh! Gusto kitang makita. Inaamin ko naman ‘yun. Pero ganun lang. Gusto lang kita makita.” Napayuko na lang si Addie sa pag-amin niya. Pero nanatiling matalim ang titig ni Gabriel tila lalo pa ngang nagalit. Muli itong lumagok ng alak. “Gusto mo makita, how miserable I’ve become? Happy now? Kumusta na kayo ni Simon? Hindi ba nagwork out ang relasyon niyo? Can’t he satisfy you? Mas malaki pa rin ba ang akin? Mas masarap?” Napataas ng kilay si Addie. Pero nanatili siyang kalmado kahit na sumosobra na ang mga pinagsasabi ni Gabriel. "I am a professional interior designer. I hold a master’s degree. I’ve worked with billionaires, with hacenderos and hacenderas, all in the most professional manner. At ngayon, iinsultuhin mo lang ako nang ganun-ganun na lang?" Tila hindi naman na-impress ang senyorito sa nilatag na credential ni Addie. Bagkus, patuloy pa ito sa pang-iinsulto. “Ah so that’s it. . . Nag aral ka ng Interior Design para makakilala ng mga bilyonaryo. Hindi pa ba kami sapat ni Simon?” Napakuyom ng kamao si Addie dahil sa mga nakaka-insultong paratang sa kanya ni Gabriel. Siya na mismo ang lumagok sa bote ng whisky. Hindi niya naisip na ito ay hard drink. Hindi na rin ganoon katindi ang hagod ng alkohol sa kanyang lalamunan. Mas masakit kasi ang kanyang puso. “I wonder why you stay? Hindi nagtagumpay ang mga plano? Kaya hanggang ngayon muchacha ka pa rin?” “Hayaan mo, Senyorito, ngayon din, aalis na ako ng Hacienda Roman. Oras na nga siguro para patusin ‘yung alok ng milyonaryong DOM na kliyente ko.” Nilabas ni Addie ang de-keypad na cellphone niya na phase out na sa merkado at hinagis sa ibabaw ng mesa. Kinuha ito ni Gabriel at binasa: "I booked us a suite sa Batangas this weekend. Don’t worry, secured at walang makakaalam. At kapag pumayag kang maging baby ko, sa Japan kita ibabahay." Parang gustong basagin ni Gabriel ang cellphone matapos niyang mabasa ang text na iyon galing sa manliligaw na DOM ni Addie. Alam niyang hinding- hindi ito papatulan ni Addie. Ganunpaman, nakaka pang gigil pa rin, “Go ahead. If the price is right, why not ‘di ba? Prove to me once more that you’re a filthy wh0re.” Hindi na matagalan ni Addie si Gabriel, sagad na ang pasensya niya. Hindi na niya kayang saluhin ang kahit na anong pananapak sa pagkatao niya. Tumayo na siya at pilit na naglakad kahit na parang umiikot na ang paligid niya sa sobrang hilo. Tumatalab na ang tama ng whisky. Pagewang gewang siyang naglakad patungong pinto. Nasa wisyo pa naman siya ngunit ang mga binti niya ay nanginginig gawa ng nainom niyang alak. Hindi niya mabuksan ang pinto. Naka-lock pa rin ito. “Buksan mo 'to, Gabi! Palabasin mo 'ko! Simon! Simon! tulung--” Hindi na makasigaw si Addie dahil tinakpan ni Gabriel ang kanyang bibig. Hindi na rin niya mahawakan ang seradura ng pinto dahil kinulong siya ni Gabriel sa mga bisig nito. Bagamat matangkad siyang babae pero mas matangkad at malakas si Gabriel. Napagod na siya sa pag pupumiglas. Nagpatianod na lang siya sa mainit na yapos ni Gabriel at napasandig sa malapad nitong dibdib. Gaya dati. Noong masaya pa sila. “Bakit? Bakit si Simon pa? Bakit sa bastardong ‘yon?” Isang malaking palaisipan kay Gabriel kung bakit nananatili pa rin si Addie sa hacienda. Nakapag-tapos naman ito ng Summa c*m Laude, may mataas na pinag-aralan at malaking oportunidad sa corporate world. Pero bakit mas pinili nitong maging utusan sa hacienda? At bakit lumipas na ang limang taon pero hindi pa rin siya kayang angkinin ni Simon? What holds him back from wooing Addie? Tanging luha lang ang sagot ni Addie sa tanong ni Gabriel. Mahal na mahal nila ang isa't isa, sadyang malalim lang ang sugat na iniwan ng nakaraan. “I miss you, Adriana,” bulong ni Gabriel. Patuloy pa rin sa pagyakap. “I miss you more, Gabi,” tugon ni Addie. Sa tulong na alak, nagawa nilang sambitin ang nilalaman ng kanilang puso. Lalong humigpit ang yakap ni Gabriel. Hindi pa rin niya kayang magpatawad. “The wound you left in my heart still bleeds, slow and relentless. . . you will pay for every tear and pain you inflicted on me. . . I loved you too much to just walk away. Paparusahan kita, Addie.” Masarap na parusa. Parusa sa kama. . . ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD