CHAPTER 17 “Adriana, tell me everything. . .” Sabi ni Gabriel kay Addie sa malumanay na tinig. Umiling iling si Addie at pinilit na mag salita kahit na parang may kung anong bumara sa lalamunan niya. “Wala– “ “Damn it, Addie!” hiyaw ni Gabriel sabay hampas ng palad sa pinto. “Tapos kay Simon mo sasabihin lahat?” Napapikit si Addie at bumigay ang katawan. Mabuti at nasalo agad siya si Gabriel bago siya mahulog sa sahig. Bigla na lang nawalan ng malay si Addie at sobrang nataranta si Gabriel. “Addie? Addie, wake up!” Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Addie habang buhat niya ito sa kanyang bisig. Ngunit wala pa rin itong malay. Agad niyang tinawagan si Peter para tumawag ng doktor. Pagkatapos ay binuhat niya ang walang malay na dalaga at hiniga sa couch. Nakarinig siya ng katok sa

