CHAPTER 16 “May kasalanan ‘yang babaeng ‘yan sa’kin, at sa’yo. Kaya huwag mong ipagtanggol ‘yan!” sigaw ni Serafim at dito nabaling ang curiosity ni Gabriel. Naka-yuko lang si Addie. Guilty ba sa paratang ng Donya? Nawala ang atensyon ni Gabriel sa kanyang madrasta at nabaling kay Addie. “Anong kasalanan mo kay Sera?” tanong niya kay Addie. Mas interesado siya sa kung anong atraso raw nito sa Donya. Kung ano man ang kasalanan nito sa kanya, ay kaya niyang patawarin. Pero ang magkaroon ito ng atraso kay Sera ay mahirap paniwalaan. Mabait si Addie. Masunurin. Ang tanging kasalanan lang ni Addie na maiisip ni Gabriel ay tungkol kay Simon. Si Serafim ang reyna ng mga social climber. Napaparanoid siya na baka agawin ni Addie ang buong hacienda kapag kinasal kay Simon. Kaya sinisiraan niya

