CHAPTER 90 Simon’s PoV I didn't expect taht Sam would bravely admit to everyone that she's pregnant. Sa live TV pa ito with thousands or even millions of people watching in the country and all over the internet around the globe. Nahihiya ako na makita sa TV at pinapanuod ng milyon milyong Pilipino. Sanay naman akong makita ang mga pictures ko sa mga lifestyle at corporate magazines pero ito ay sobrang lawak ng reach at ako na ang center of attraction. Paglabas namin mula sa stage ay ramdam ko agad ang mga mata na nakatingin. Mga cameramen, crew, staff, lahat nakatuon kay Sam. Pero kakaiba ang atmosphere ngayon. Hindi na ito yung tensyon na kanina bago siya umamin kundi puro na ito papuri. Ang laman ng social media feeds ay about Sam. Pinag uusapan ang pag amin niya na siya ay buntis.

