CHAPTER 91 Simon’s PoV Finally, natapos na rin ang movie. Parang isang malaking tinik ang nakawala sa dibdib ko nang dumating ang last shooting day. Sa wakas, tapos na ang pagod, puyat, at kaba. Pero higit sa lahat, natapos namin ito ng buo at mas matatag. Hindi lang si Sam ang proud, kundi ako rin. Ang sakripisyo niyang ginawa habang dinadala ang anak namin. New life awaits us. Excited na kami pareho. Malapit na kaming umuwi ng hacienda, bumalik sa mas tahimik at mas payapa ang buhay. Pero bago iyon ay kailangan pa naming dumaan sa sunod-sunod na schedules, interviews, TV guestings, photoshoots, at mga mall shows para sa promotion ng pelikula. Sabi ko nga sa sarili ko, konting konting tiis na lang, Simon. Para kay Sam, para sa baby ninyo. Pagkatapos ng thanksgiving party ng pelikula,

