CHAPTER 35 “That will be a perfect fit for you sa upcoming party na gaganapin sa Hacienda Roman this weekend. Gulatin mo sila Adriana,” bulong ni Eros sa tenga ni Addie. Hindi na magawang makakilos ni Addie nang pinulupot ni Eros ang mga bisig nito sa kanyang bewang. Hindi mahigpit, banayad lang ang pagkakabalot sa kanyang katawan ngunit ramdam niya ang mainit nitong pag-suyo. Ilang buwan na rin siyang nililigawan ni Gob. Kalat na nga sa buong bayan ang tungkol sa kanila, siguradong nakarating na rin kina Gabriel at Simon ito, pati na rin sa buong Hacienda Roman. “Sa birthday ni… ni Gabriel?” pabulong na tanong ni Addie. “Yes. Matagal tagal mo na ring hinintay ang pagkakataon na ‘to.” “Hindi pa yata ako handa, Eros. Kinakabahan ako.” “You’ve been training hard for six months, and

