CHAPTER 34 “I swear Addie, I'll make them pay—” Pangako iyon ni Gob Eros kay Addie. Parang nawala ang bigat sa dibdib ni Addie sa sinabi ng gobernador. Sa kabila ng lahat ng inamin niyang masamang plano nila ni Tristan ay hindi ito nagalit sa kanya bagkus ay tutulungan pa siya at susuportahan sa mga plano niya. “Hindi po ba kayo… nate-turn off sa’kin? Napakasama ko pong babae–” “Gusto mo yata ng isa pang halik,” sabat ni Eros at nataranta na naman si Addie. Naitakip niya ang kamay sa kanyang bibig saglit. “Babayaran po namin ni Tristan kapag nakabawi na kami–” “Hindi naman ako naniningil. Pakasalan mo lang ako, ok na ‘yon.” Napayuko si Addie. Ang dami niyang gustong sabihin. “Gob, mas may higit pa sa akin–” Narinig ni Addie ang pag hugot ni Eros ng malalim na pag hinga. Akala niya

