CHAPTER 49 “Nice. Sam Hilotera. Very nice. At dahil diyan, alam mo na…” Parang gustong kaladkarin ni Sam si Shoni dahil baka makita sila ni Simon at malaman pa nito ang naging kasunduan nila. Kahit na hindi naman siya pumayag sa offer nito, sadyang nagkataon lang na nangyari ang lahat. Sa tingin niya. Oo nagkataon lang na sinuko niya ang bataan kay Simon. Hindi iyon sinasadya. Wala sa plano. Kusa lang na nangyari na hindi na nila napigilan. Kusa naman umalis na lang si Shoni, hindi naman ito nagtagal. Kaya dali dali rin nagtungo si Sam sa kwarto ni Gabriel kung saan siya natutulog. Ganun pa rin ang set-up nila, sa kama siya nakahiga at si Gabriel ay sa window seat. “Sa’n ka galing? Enjoying the Hacienda? You're not in a vacay. Reminder, nagtatrabaho ka sa'kin,” sabi ni Gabriel habang

