CHAPTER 48 GABI NA, tahimik ang buong Hacienda, maliban sa mahihinang kaluskos sa kusina. Amoy kape ang paligid habang nagbubuhos si Tina ng tubig sa baso, nanginginig pa rin ang kamay. “Tina, ano bang nangyari?” tanong ni Addie habang kinakalma ang kaibigan. Umiiyak si Tina sa counter table habang nag susumbong kay Addie. “Beshy! Sobra na si Donya Sera. Nababaliw na siya. Napaupo si Tina sa high kitchen chair na nasa counter, bagsak ang balikat, at namumugto ang mga mata. “Beshy, hindi ko na talaga kinakaya ang Donya,” sumbong niya, halos pabulong at nanginginig ang mga daliri. “Ako na lang palagi ang pinagbubuntunan ng inis ni Donya Sera. Lahat ng galit niya, kahit hindi naman ako ang may kasalanan, sa akin na lang ibinabato.” Lumapit si Addie at tumayo sa harapan niya, naghihint

