DANIELLA PAGKATAPOS ng halos isang oras sa palengke, natapos din ang pamimili namin. Punong-puno ang dalawang bayong ng mga pinamili...gulay, karne, isda, at kung anu ano pang pang-araw araw na kailangan namin ni Avianna sa apartment. At syempre, hindi ako ang may bitbit...kundi si Mr. D, na mukhang hindi na alam kung paano hahawakan nang maayos ang mga bayong. Sabi ko sa kanya, ako na ang magdadala ng isang bayong para hindi siya mahirapan. Pero matigas ang bungo niya at hindi niya raw kailangan ng tulong. "Siguro Mr. D, nagsisisi ka na ngayon na sumama ka sa'kin sa palengke?" Napangiwi siya at umiling habang naglalakad kami papunta sa sakayan. "Regret? No. But Daniella, let me tell you… this is a very unexpected experience for me." "Unexpected in a bad way?" sagot ko na may kasam

