DANIELLA Ang kulit talaga nitong si Mr. D. Sumama pa talaga sa'kin. Para siyang kabute na biglang sumulpot at ayaw nang umalis. Nasa loob na kami ng kotse niya, at kahit anong tanggi ko kanina, hindi na ako nakapalag nang tuluyan na niya akong hinatak papasok. Ang tangkad naman kasi niya—para akong batang kinakaladkad. "Where do you usually shop for your groceries?" tanong ni Mr. D habang nililiko ang sasakyan. "Sa palengke," tipid kong sagot. "Palengke? Hindi ka sa grocery store bumibili?" Parang may bahid ng gulat sa boses niya. Napairap ako at tumingin sa kanya. "Bakit? May problema ba ro'n?" Umiling siya pero kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "Wala naman. Sanay lang kasi ako sa grocery stores sa mall. Mas malinis at organized." "Iba pa rin sa palengke. Mas fresh ang mg

