DAVIDSON Napahinto ako sa sinabi ni Daniella. Holiday ngayon? Paanong hindi ko alam 'to? Agad kong kinuha ang phone ko at chineck ang calendar–and f**k! She’s right, holiday nga ngayon. Napansin kong nakatingin sa akin si Daniella, nakakunot ang noo. I dialed Nick’s number, hoping he could explain why the héll I wasn’t informed about this. Ilang ring lang, sinagot niya agad. "Nick! Bakit hindi mo sinabi sa akin na holiday pala ngayon?" "Sir, hindi ko na po kasi naisip na sabihin dahil… well, alam ko pong hindi niyo tinatanong ang holiday schedule. At buong akala ko po nakita mo na sa company memo?" "Anong company memo?" "‘Yong memo po na pinadala sa email last week. Wala pong pasok today, pero para lang sa mga rank-and-file at managerial level. Pero wala pong holiday sa inyong mga e

