DAVIDSON Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako sa mga pinagsasabi ni Daniella. Hindi ko inasahan na ganito pala ang tingin niya sa akin—isang ‘matandang hukluban’ na walang ginawa kundi mangsigaw at mang-api ng empleyado. "At sino naman nagsabi sayo na naninigaw a—" Muntikan ko ng masabi ang salitang ‘ako’, pero mabuti nalang hindi ko natuloy. Napailing ako, nagpipigil ng ngiti. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga tsismis na kumakalat tungkol sa akin. Pero itong si Daniella, parang walang filter magsalita. Sa Diary niya, sinabihan niya akong feeling CEO. Ngayon naman, napagkakamalan niya akong Janitor. Pero sa isang banda, nakakatawa rin na hindi niya ako agad nakilala sa ayos ko ngayon. Siguro nga kasi naka-roll up ang sleeves ko at may hawak na mop kaya mukha akong

