FINDING MARIE

1331 Words

DAVIDSON NAGISING ako ng madaling araw dahil sa matinding uhaw. Napabuntong-hininga ako habang kinapa ang baso ng tubig sa bedside table, pero wala na palang laman. Pagtingin ko sa alarm clock sa tabi ng kama, alas singko pa lang ng umaga. Too early to get up, pero hindi ko na kayang tiisin ang uhaw. Bumangon ako at dumeretso sa kitchen para uminom ng tubig. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa aking mga talampakan habang naglalakad ako patungo sa ref. Isang basong malamig na tubig ang agad kong ininom at pakiramdam ko’y bumalik ang sigla ng katawan ko. I placed the empty glass on the counter and stretched my arms, trying to shake off the drowsiness. Pagbalik ko sa kwarto, napangiti ako nang mapansin ang dalawang fresh mint candy sa tabi ng alarm clock na binigay sa'kin ni Daniella kahapon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD