DANIELLA Malapit na sana kaming mag-kiss ni Piolo Pascual sa panaginip ko kaso nagising ako nang narinig ko ang malakas na tunog ng cellphone ko. Napapikit pa ako nang mariin habang pilit na inaaninag ang alarm clock sa tabi ng maliit kong kama. Pasado alas singko pa lang at masyado pang maaga. Sino naman itong distorbo? Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bedside table at sinilip ang screen. Unknown number. Napakunot-noo ako. Hindi ko kilala ang numero, pero may kung anong kaba ang bumalot sa akin. Nag-aalangan akong sagutin. Baka scam? Baka wrong send? Pero paano kung importante? Kinalma ko ang sarili ko at pinindot ang answer. "Hello?" mahina kong sagot, medyo paos pa ang boses ko. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Wala akong narinig sa kabilang linya. "Hello?" Ulit ko, mas madiin

