DANIELLA Kainis! Nabitiwan ko pa ang red stiletto. Mabuti nalang dala ko sa paper bag ang office black shoes ko, kung hindi, uuwi ako ngayon sa apartment na nakapaa. Kaso nga lang paano ko ipapaliwanag kay Avianna na nahulog ko ang isang pares ng red stiletto niya? Pinahiram niya lang sa'kin 'yon at sa katangahan ko, nahulog ko pa. Humihingal akong sumandal sa isang poste ng ilaw nang maramdaman kong medyo malayo na ako. Dahan-dahan akong sumilip pabalik, pero hindi ko na nakita si Sir Davidson. Okay... ligtas na ako. Sinubukan kong ipanatag ang sarili ko. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung paano niya ako tiningnan kanina—parang may hinala siya. Mabilis kong isinuot ang black shoes sa gilid ng eskinita. Luminga-linga ako para makasigurado akong hindi ako sinundan ni Mr. D.

