KAIDEN AHMED Unexpected friendships are proof that the best things in life happen when you least expect them. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nabuo ang ulupong gang dahil sa hindi inaasahang sitwasyon... Walang katok-katok, agad akong pumasok sa kwarto ng kambal kong si Kaizer Ahmed. Kambal kami pero mas gwapo ako sa kanya...mas lamang ako ng sampung ligo halata naman sa mukha. At isa pa, ako talaga ang original na sperm cell, si Kaizer copy paste lang 'yan siya sa'kin. "What are you doing here? You idiot!" Kaizer groaned as he looked up from his laptop, obviously annoyed by my sudden entrance. Nasa study table siya, mukhang busy na naman sa pag-aaral dahil napapalibutan na naman siya ng libro. "I missed you, twinny. Aren’t you happy to see me?" ngumiti ako nang na

