DANIELLA "Don't you dare scare her again, Thaddeus. Or else I'll make sure you regret it," seryosong sabi ni Sir Killian habang titig na titig kay Sir Thaddeus at nakatutok ang baril sa noo. "Tangina niyo! Wag nga kayong manggulo dito sa bar ko!" Inagaw ni sir Kaiden ang baril kay sir Killian at tinanggal ang kargamento ng bala bago itinapon sa sahig ang magazine ng baril. Nagkatinginan kami ni Josephine, pareho kaming nanlalaki ang mga mata. Hindi pa kami nakaka-recover sa shock ng buong pangyayari. "Ikaw Thaddeus!" Biglang binatukan ni sir Kaiden si Thaddeus. "Wag mo ngang dalhin dito sa bar ko ang pagiging Mafia Boss mo. Tandaan mo, kapag nandito tayong lahat sa bar. Ako ang boss dito dahil ako ang may-ari!" "Tss..." 'yon lang ang naging reaksyon ni Thaddeus at inirapan si sir Ka

