DANIELLA PAGDATING ko sa Imperium Lounge, naamoy ko agad ang pinaghalong mamahaling pabango, alak, at ang usok ng sigarilyo na sumasama sa malamig na hangin ng aircon. Gaya ng dati, nakaayos na ang lahat—dim lighting, mamahaling alak sa display at ang ang mahinang musika na nagdadala ng isang eleganteng vibe. Hindi pa masyadong marami ang tao—mga VIP lang na mahilig maagang dumating para sa tahimik na inuman bago sumapit ang rush hour ng gabi. Dumiretso muna ako sa dressing room para ilagay ang mga gamit ko "Marie, sakto lang ang dating mo," bungad sa'kin ni Josephine nang makita niya ako habang naglalagay siya ng lipstick. "Tayo daw ang magserve sa table nila sir Kaiden." "Ta-tayo ulit?" Hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo. Marami naman kami dito sa Imperium Lounge pero bakit ka

