DANIELLA TAHIMIK akong nagtatrabaho sa desk ko nang biglang may tumayo sa harapan ko. Napatingala ako at nakita ko ang marketing head. "Ms. Marasigan, the HR manager wants to see you in her office." Napatingin sa'kin si Mayum Clark at ang ibang kasamahan ko sa marketing department. Halata sa mukha nila ang pagtataka at pag-aalala. Usually kapag pinapatawag ng HR manager, may dalawang posibleng dahilan—promotion o problema. At sa sitwasyon ko ngayon, alam kong problema. Marahil ito na 'yong tungkol sa incident report na sinabunutan ko ang VP ng kompanya. Pero may rason din naman kasi ako. Hindi ko naman alam na si Mr. D at si Sir Davidson ay iisang tao lang pala. Kumusta na kaya ang mokong na 'yon? Dalawang araw na ang lumipas ng mawalan siya ng malay. Nagising na kaya siya? Tumayo ak

