DANIELLA "Dito ka nakatira?" tanong niya nang pinarada niya ang kotse sa harap ng apartment kung saan kami nangungupahan ng pinsan kong si Avianna. Tatlong palapag ang apartment at nasa pangalawang palapag ang unit namin. Kumpara sa ibang apartment na napagtanungan namin, mas mura ito kaysa sa mga lugar na malapit sa city center. Sa kabila ng pagiging medyo luma ng gusali, maayos pa naman ang mga pasilidad at malinis ang paligid. Hindi rin ganun kalaki ang unit, pero sakto lang para sa amin ni Avianna. Hindi ko na hinihintay na pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Lumabas na agad ako. Paglabas niya, saka ko siya kinausap. "Dito ka na lang maghintay sa labas. Babalikan nalang kita kapag nailabas ko na ang diamond." Kumunot ang noo niya. "Why are you acting like this? Ganyan ka b

