DANIELLA "How is it Daniella? Lumabas na ba?" Siguro panglimang beses niya ng tanong sa'kin 'yan. Nasa labas siya ng Comfort Room habang ako naman nasa loob ng cubicle–pilit pinipiga ang tiyan para lang mapagbigyan siya. Pagkatapos niyang ipaubos sa'kin ang sandamakmak na pagkain, pinilit niya akong tumae dito sa CR ng restaurant. "Daniella, ano na?" "Oo na, wait lang!" sagot ko sa kanya, kahit na wala pa namang nangyayari. Nakakainis na rin kasi ang pangungulit niya. Para bang lahat ng desisyon ko sa buhay, nakasalalay sa kung anong mangyayari dito sa loob ng CR. "You're taking so long. Baka naman hindi mo ginagawa ng maayos ang pagtae." "Ay hala siya. May rules ba dapat kung ano ang maaayos na pagtae?" Napabuntong-hininga na lang ako, sinusubukang wag magalit. Minsan talaga, hin

