DANIELLA "Eat. Now." Nagtiim ang bagang niya at matalim akong tinitigan. "Ayaw ko." I rolled my eyes at pinagpatuloy ang pag-scroll sa cellphone ko. Sobrang daming pagkain ang inorder niya. May mga seafoods, pasta, sushi, steak at iba pa. Lahat ata ng pagkain na nasa menu nasa harapan ko na. Nakakatam ang bango ng mga pagkain pero ayaw kong kumain o tumikim manlang. Nakita ko siya kanina na kausap ang manager, at baka mamaya inutusan niya ang staff ng restaurant na lagyan ng lason ang mga pagkain. Sa ugali palang ng lalaking 'to, hindi na mapagkakatiwalaan. "Woman, I don't want to repeat myself. Eat." "Bakit? Ano'ng gagawin mo kung hindi ako kumain?" Hinamon ko siya, iniangat ang kilay ko. Siguro kung wala siyang masamang plano, baka magkaintindihan pa kami. "Don’t make me lose m

