DANIELLA KAMI ni Josephine Leary ang magse-serve ng alak sa table nila sir Killian. Kung si Josephine ay hindi ay hindi man lang makakakitaan ng kahit anong senyales ng kaba, ako naman kulang nalang tumakbo itong puso ko sa sobrang nerbyos na nararamdaman ko. Habang inaayos namin sa tray ang mga alak at baso na dadalhin namin sa table nila sir Kaiden, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Josephine na mag-usap ng ilang mga personal na bagay. Nalaman ko na kaedad ko lang din pala siya at huminto muna siya ng pag-aaral ng college para magtrabaho dito sa Imperium Lounge. Ginagawa niya raw ito para matustusan ang pag-aaral ng nakakabata niyang kapatid na ngayon ay nasa second year college. Ayon kay Josephine, dalawang taon na siyang nagtatrabaho dito sa Imperium lounge, at kung hindi siya tumigi

