DANIELLA NGAYON ang unang gabi ko bilang entertainer sa Emperium Lounge, isang exclusive bar dito sa Makati. Sabi ni Jilian, Kaiden Ahmed Montero daw ang pangalan ng may-ari. Turkish-Arabic daw ang ina kaya may Ahmed sa pangalan. Humigpit ang hawak ko sa aking sling bag nang tumigil ang taxi na sinakyan ko sa tapat ng bar. Kinakabahan ako at parang gusto ko nalang umuwi. Pero sayang naman kung aatras pa ako. Ngayon pa na nandito ako. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko dahil kailangan ko ng pera. Nagbayad na ako sa driver at mabilis na bumaba mula sa taxi. Tumingin ako sa harap ng Emperium Lounge at inisip kung anong klaseng lugar ang naghihintay sa akin. Makikita mo agad ang yaman at estilo ng bar mula sa kanyang modernong disenyo at eleganteng mga ilaw. Ang buong harapan ay gawa s

