DANIELLA KINABAHAN talaga ako kanina sa elevator. Paano muntikan ng magsuntukan si Mr. D at Sir Killian. Minsan, nagdududa na talaga ako sa pagkatao ni Mr. D, kasi kung ordinaryong tao lang siya, bakit hindi siya natakot lumaban kay Sir Killian kanina? Samantalang alam niyang nasa mataas na posisyon si Sir Killian–one of the bosses. Alam niya dapat na kapag lumaban siya, posibleng matanggal siya sa trabaho pero hindi siya nagpatinag. Para bang wala siyang pakialam kung sino ang kaharap niya kanina. "Dani..." Naputol ang mga naiisip ko nang maramdaman ko ang banayad na tapik ni Mayumi Clark sa balikat ko–kasamahan ko sa marketing department at katabi ko sa desk. "Dani ayos ka lang? Kanina ka pa tulala. Parang ang lalim ata ng mga iniisip mo?" Halata sa mukha niya ang pag-alala kaya ng

