“Tomorrow morning ako pupunta kay Heart,” ani ko makalipas ang ilang minuto na tahimik lang kami. Hindi siya sumagot. Tumango lang siya at pinisil ang bridge ng ilong. He looks frustrated. Naubusan na lang siguro siya ng dahilan para pigilan ako. Wala na rin namang saysay iyon dahil buo na ang desisyon ko. Kailangan kong makausap si Heart. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit hindi niya inamin na hindi naman siya ang pumatay sa tatlo. Hindi ako matatahimik. Hindi ako kontento sa mga kuro-kuro ko. Hindi lang dapat doon mapunta ang lahat. Kailangang may kasiguraduhan. “I will talk to my friend tomorrow. Tatawagan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda, Aster. Hanggang sa maaari ay dalhin mo ang cellphone mo. Malalaman nilang pinuntahan mo si Heart kaya mag-iingat ka.” Tu

