Pagkatapos kong makapagpaalam kina Tanya at sa mga bata ay umalis na ako. Hindi kami pwedeng magkita sa condo ko kaya sa isang malayong café ang napag-usapan namin. Hindi ko na alam kung ano’ng mararamdamn ko. Kinakabahan ako para kay Heart lalo na’t may kasabwat pala ang killer sa isa sa mga pulis. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano habang nagmamaneho. Pasalamat na nga ako dahil walang masyadong traffic ngayon. Nawawala ako sa wisyo minsan kaya naging mabagal ang pagmamaneho ko. Nang makarating sa café ay namataan ko kaagad si Akiera na nakaupo sa bandang sulok. Pinagmasdan ko ang buong lugar at wala namang masyadong tao kaya maayos naman siguro ang pag-uusap namin ngayon. “Aster,” bati niya nang makita ako. Diretso akong umupo sa harapan niya kaya naupo na rin siya. Hin

