CHAPTER 4

1244 Words
Pinahilot ko kay ate Cyhael ang ulo ko nang makauwi ako ng bahay. Medyo maga rin ang pisngi ko at hindi man lang ‘yon nakaligtas kay ate Levine. Kunot-noong lumapit ang panganay sa akin at inabutan ako ng cold compress. I smiled at her, but she just rolled her eyes. Nakangusong nilapat ko ang cold compress sa pisngi ko at umiwas na lang ng tingin sa dalawa. “Chika mo na ‘yan, Kiara,” salita ni ate Cyhael habang hinihilot ang ulo ko. I don’t know where to start. Kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ganito ang itsura ko pag-uwi ay baka patigilin na nila ako sa pag-ba-ballerina. Delikado na nga ang trabaho namin, pati ba naman sa hobby ko ay hindi pa rin ako nakaligtas sa kapahamakan. "Why did you sent us a warning?" Malamig na tanong ni ate Levine. Ngayon ko lang napagmasdan ang kanilang mga suot. They are wearing black fitted long sleeves and leather pants. Napangiwi ako nang diinan ni ate Cyhael ang parteng namamaga sa ulo ko nang hindi ako magsalita. "It hurts, ate!" "Tell us what happened to you, aayusin ko ang paghilot sa'yo." Bumuntong-hininga pa ako bago simulan ang kwento sa pinakadahilan ng lahat. Naitulak ako ng bahagya ni ate Cyhael matapos kong sabihin na may isang ballerina ang m-in-urder sa mismong studio. Hindi naman na bago sa pandinig namin ang mga ganoon pero hindi pa rin namin maiwasang hindi magulat. Simula pagkabata ay nakatatak na sa utak namin na kahit ano’ng ganda ng mundo, mayroon pa rin ang magpapapangit nito at iyon ang mga tao. Kada taon, hindi lang isa, dalawa o lima ang pinapatay ng mga taong halang ang kaluluwa. Marami. May ibang hindi pa nalalaman ng awtoridad at may ibang nakukuha kaagad ang hustisya. “Ballerinas are mad. Pagpasok pa lang namin ni Aki, sumugod na kaagad sila sa amin at ako ang pinuntirya nila. Thankful pa nga ako dahil tinulungan ako ni Aki na makawala sa sampal at sabunot nila.” “At sino naman ang Aki na ‘yon?” Nakataas ang kilay na tanong ni ate Cyhael. Hindi naman ako palakwento tungkol sa mga ballerina kaya wala silang alam kung sino ang mga nakakasalamuha ko sa mundong iyon. "He also does ballet pero sa ibang management siya. It's just that the two choreographers planned to collab." “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin, Kiara.” “What?” Naguguluhan kong tanong. “Bakit dalawa pa kayo ang napagbintangan? You are always together?" Umiling kaagad ako nang ma-realize ang pinupunto niya. Kahapon ko nga lang nakausap ang Aki na ‘yon eh. “Nagkataon lang na nagkasabay kami kahapon,” tanging sagot ko. Hindi na sinabi pa ang nangyari sa akin. "Ayusin mo lang, Kiara. Si Levine dapat ang mauuna sa atin mag-asawa," pabirong binalingan ni ate Cyhael ang nakabusangot naming panganay. Pasaring niyang sinabutan ng mahina si ate Cyhael pero tinawanan lang ito ng huli. "Porket hindi mo na nakita pa 'yong knight in shining armor mo, ganiyan ka na," pang-aalaska ko. “Ah talaga ba, Kiara?” pikon na aniya. Tinawanan ko na lang ang ate ko at nagpunta na sa dining area. It's almost 7 in the evening. Sa sobrang daming nangyari nang hapon na iyon ay pagod at gutom ang napala ko. We, ballerinas, planned pa naman na kumain sa labas dahil ngayong araw sana ang last day ng aming practice. But after what happened to kuya Kian, hindi na yata namin kayang kumain ng magkakasama. I can't trust them anymore. "Did you order this?" I asked when I saw one box of pizza and three orders of lasagna. “Yeah, duda na kami na makakapagluto ka pa kaya um-order na lang kami,” tugon ni ate Cyhael na nakasunod na pala sa akin. "Ang thoughtful naman ng mga sisters ko," nakangisi ko siyang niyakap pagilid. She pinched the left side of my waist. Nandidiri niya akong tinignan at hinampas ang noo ko kaya nakasimangot akong lumayo sa kaniya. “Napakasama ng ugali mo, ate!” “Hoy, Kiara, kabagan ka nga sa panlalambing mo. Sabunutan kita eh!” Oh, God! Noong mga bata pa kami, halos hindi kami mapaghiwalay. We also hug each other when we are watching some horror movies. Alam ko namang wala pa ring nagbago sa aming tatlo. Medyo tumatanda na rin kasi kami kaya hindi na uso ang ganoong paglalambingan. Minsan ko na lang din namang ginagawa iyon kapag gusto ko silang asarin. “Lev, kain na!” Sigaw ni ate Cyhael at naupo na sa kaniyang upuan. Nangingiti akong umiling at lumapit na lang sa refrigerator para makakuha ng tubig. Hindi na masyadong mabigat ang loob ko. Hindi ko na rin masyadong naiisip ang pananakit sa akin ng mga ballerinas nang magsimula kaming kumain. Ate Bianca: Sis, wala muna kayong practice tomorrow. May meeting ang management bukas at mukhang hindi na muna kayo makakasali sa contest. I'll update you after our meeting. Ciao! After I took a shower, I received a text message from my manager. Medyo nalungkot ako dahil dalawang buwan rin kaming nag-practice para sana sa contest. Me: Okay, Ate. I hope it turns out well. Nilapag ko na lang sa kama ang cellphone ko nang walang matanggap na reply kay ate Bianca. Nagtungo ako sa vanity mirror at doon na lang pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok. Hindi ko pa nga alam ang magiging kinalabasan ng meeting bukas ay kinakabahan na ako. Sigurado ako na kapag hindi natuloy ang pagsali namin sa contest ay kami kaagad ni Aki ang masisisi. Wala pang napapatunayan ang mga pulis kung sino talaga ang tunay na killer. Kung ganoong wala silang sagot na maibibigay ay talagang hindi matatapos ang pagdududa sa amin. “Tell me, Kiara, ano’ng magandang gawin ko sa’yo!” Napapikit ako sa sigaw ni Mama. Kakapasok ko pa nga lang kanina sa room ay binuhusan na kaagad ako ng pulang likido ng mga kaklase kong nagtatawanan. Walang imik at hindi na sila binalingan ay lumabas ako ng room. Tumakbo ako nang lumuluha. May mga tao akong naririnig na pinag-uusapan ako pero ang tanging gusto ko na lang ay makauwi sa bahay namin. “Tang-ina, basa ka lang naman uuwi ka pa?” Malutong na mura nito sa akin at padarag akong hinila. Hawak-hawak ni Mama ang leeg ko. Tanging hikbi na lang ang nagawa ko nang itapon niya ako sa kwarto naming magkakambal. “Kung ganiyan lang din naman pala ang gagawin mo, huwag ka nang mag-aral. Lumayas ka, masyado kang pabigat!” Nanginginig akong humawak sa aking ulo nang magising mula sa masamang panaginip. Hinahapong binalingan ko ang lamp shade at binuksan ang ilaw no’n. Ngayon na lang ulit ako nanaginip ng ganoon. Palagi na lang talaga, kapag sobrang dami kong iniisip at sa pagod ay ganoon lagi ang laman ng panaginip ko. Hindi ako tatantanan no’n kaya minsan ay hindi na lang ako natutulog. It's 3 am, and I'm just looking at my plain ceiling. Wala na akong balak na matulog. Ayoko nang mapanaginipan iyon kaya pinili ko na lang ang bumangon at maligo. Nagsuot ako ng sports bra at leggings. Kahit mag-aalas kwatro pa lang ay lumabas na ako ng bahay para mag-jogging. Hindi ako nakuntento sa hangin na binubuga ng aircon sa kwarto ko. I need more air. It sucks being a Vergara. I don't even like my name. Maski ang mabuhay sa mundong ito ay hindi ko gusto. Bakit ba ako nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD